Hiyasmin (298)
“NATATANDAAN ko, umuwi ako sa Kuwait para dalawin ang aking mga magulang at si Rashid subalit, nalungkot ako sa dinatnan—wala na sa katinuan si Rashid. At nalaman ko sa aking mga magulang na madalas itong lumalabas ng bahay. Madalas daw matagpuan sa park na ‘di kalayuan. Nakaupo sa bench at inaabot ng gabi roon. Madalas ding nagsisisigaw. At alam mo kung ano ang sinisigaw niya—ang pangalan ni Lira—ng iyong mama.
“Noon pa man, nung nag-aaral na ako rito sa U.S. pinagtapat na sa akin lahat ni Rashid ang nangyari sa kanila ni Lira. Mahal na mahal daw niya si Lira—kaya lang, humahadlang ang aming mga magulang.
“Malaki ang paniwala ko na kaya nagkadeperensiya sa pag-iisip si Rashid ay dahil na rin sa ginawang paghadlang ng aking mga magulang. Sila ang dapat sisihin kung bakit nagkaganun si Rashid. Nung nalaman ko na malala na ang kalagayan ni Rashid, napaiyak na lamang ako. Wala akong magawa. Hanggang sa mangyari ang lahat—nasunog ang aming bahay. Namatay si Rashid at aming mga magulang. Napakalungkot na pangyayari. Hindi ko matanggap.”
(Itutuloy)
- Latest