Hiyasmin (273)
“PERO alam mo Siony, kahit na sinabi ni Hiyasmin sa akin na itago ko nang todo ang picture ng kanyang ama, dama ko pa rin sa kanya na nasasabik siya, Kasi siya pa ang nag-ungkat sa akin kung mayroon akong naitatagong photo ng kanyang ama. At nang ipakita ko sa kanya, saka sinabing itago ko na raw at tama na ang pagbalik sa kahapon. Hindi ko alam kung totoo sa dibdib niya yun o dahil mayroon siyang hinanakit.”
“Baka may hinanakit dahil nga pinabayaan ka nung pinagbubuntis siya. Ayaw na niya sigurong may maalala pa ukol dun kaya ipinatatago niya nang todo ang picture para hindi na mahalungkat pa. Hindi mo naman maiaaalis sa kanya na magkaroon ng hinanakit di ba?”
“Sabagay.”
“Natural lang ang inakto niya, Lira.”
“Kaya sana, magkatotoo ang kutob mo kay Maryam, Siony.”
“Na pamamanahan kayo ng dolyares?”
“Sira!”
“E ano ba yung kutob ko?’’
“Yung magkikita sila ni Maryam sa hinaharap.”
“Ah magkakatotoo yun, Lira. Wala pang pumapaltos sa kutob ko.”
“Dapat siguro itawag ko sa’yo ay Madam Siony.”
“Puwede ha-ha-ha!”
“Kasi malakas lagi ang kutob mo.”
Nagtawa si Siony.
“Maiba ako ng usapan, Lira, kailan ba ang balak nina Hiyasmin at Dax na magpakasal.”
“Malapit na raw. Pinaplantsa na nila. Bakit mo naitanong?’’
“Dapat magpakasal na sila. May kutob ako na kung hindi sila magpapakasal sa taong ito ay baka…”
“Baka ano, Siony?”
(Itutuloy)
- Latest