^

True Confessions

Dioscora (248)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

MAINIT ang labi ni Mam Dioscora at tila napaso si JC. Hindi ito ang unang paghalik ni Mam sa labi ni JC pero kakaiba ngayon—mas mainit. May hinahatak sa kaloob-looban ni JC. Hindi niya maipaliwanag ang nadama sa paghalik ni Mam. Mas masarap sa dama niya ngayon kaysa nun. Dahil kaya talagang mahal siya ni Mam? O talaga lang “uhaw”si Mam? Hindi malaman ni JC kung ano ang kanyang nararamdaman.

Naglaro ang dila ni Mam sa loob ng bibig ni JC. Napakabango ng bibig ni Mam. Napakalinis. Napa­kadalisay. Hindi siya sanay sa pakikipaghalikan pero damang-dama ni JC na napakasuwabeng humalik ni Mam.

Paulit-ulit pang naglaro ang dila ni Mam sa bibig ni JC at nararamdaman ni JC na natatangay siya. Parang bangkang papel siya na sinisiklot ng alon. Natatangay talaga siya sa ginagawa ni Mam. Anong meron kaya si Mam at napakahusay sa paghalik? Gusto na niyang lumaban pero nagpipigil siya. Hindi dapat. Mahal na rin ba niya si Mam? Umiibig na ba siya rito?

Ang sumunod ang hindi inaasahan ni JC. Dahan-dahang hinubad ni Mam ang damit ni JC.

Nang mahubad, ang dibdib naman niya ang pi­naglaruan ng dila. Nagtitimpi si JC.

“Malaki ang pagkakapareho ninyo ni Nico, JC. Parang iisa kayo. Kaya mahal na mahal kita—mahal na mahal.”

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with