^

True Confessions

Dioscora (96)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDI ko puwedeng sabihin sa inyo kung saan ako pupunta. Darating ang panahon na malalaman din ninyong magkapatid,’’ sabi ni Mam Dioscora sa seryosong boses at pinaglipat-lipat ang tingin sa magkapatid.

“Malalaman din ninyo ang lahat at kayo na ang paghuhusgahin ko kung bakit nangyari ang lahat. Sa ngayon ako na lang muna ang mag-isang haharap sa pagsubok na ito...’’ tumigil si Mam at huminga nang malalim.

Nang muling magsalita ay nakangiti na at pilit na nagpapatawa.

“O baka magkaiyakan tayo dahil sa drama ko. Balik tayo sa pag-aaral n’yo. Gusto kong maka­rinig ng mga kuwento sa loob ng unibersidad. Ikaw JC magkuwento ka nga bukod pa sa sinabi mong makaka-graduate ka na next year.’’

“A meron nga po pala akong terror na propesor na pinag-iinitan ako. Ako ang laging tinatanong. Gusto akong hiyain.Pero dahil lagi akong ready sa mga tanong niya siya po ang nagmumukhang kahiya-hiya.’’

“Tama ang ginagawa mong laging nakahanda sa aralin JC. Naranasan ko rin ang ganyan noong nasa kolehiyo ako. Basta mag-aral kang mabuti. Walang tatalo sa estudyante na laging nag-aaral—laging handa.”

“Salamat po.’’

Makalipas ang isang oras, nagpaalam na si Mam. Ibinigay na ang kanilang allowance para sa ilang buwan.

“Paalam na sa inyong dalawa. Kayo na ang bahala rito,” sabi ni Mam.

“Ingat ka Mam.’’

Umalis na si Mam.

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with