^

True Confessions

Dioscora (40)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANO yan, JC?’’ tanong ni Mulo.

Napapitlag si JC.

“Binigay ni Mam Dioscora—school supplies.’’

“Ay sana all,’’ sabing nakatawa ni Mulo.

“Hindi ko nga inaasahan ito Mulo. Nagulat ako. Napakabait talaga ni Mam.’’

“Sana nabanggit mo ang sinabi ko sa iyo na magpapapasok ako sa kanya kahit janitor.’’

“Hindi nga ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla e masabi ko pa kaya ‘yun.’’

“Akala ko masasabi mo na sa kanya.’’

Hindi na nagsalita si JC at humakbang patungo sa opis nila para ilagay ang box ng school supplies. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga binigay ni Mam.

Pagkaraan ay nagbalik siya sa nililinis na aircon. Si Mulo ay abala sa ginagawa nito.

Kinagabihan, nang dumating siya sa bahay at ipakita kay Maria ang mga laman ng box, hindi rin ito makapaniwala. Hinalungkat ni Maria ang box. Lalo itong nagulat sa nakitang sobre sa ilalim.

“Ano ‘to Kuya?’’

“Ewan ko.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with