^

True Confessions

Kaibigan (144)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG babae ang nakita ni Dex. Pero hindi niya kilala kung sino dahil nakatago ang mukha sa bahagi ng gate. Mahaba ang buhok ng babae. Palagay niya ay maayos naman ang babae at hindi namamalimos gaya ng una niyang hinala kanina. Wala siyang ideya kung sino ang babae. Bakit iti­natago ang mukha? Naisip ni Dex na baka may ia­alok na produkto ang babae kaya kumakatok. Pero bakit kailangang magtago?

“Sino ‘yan?’ ’tanong ni Dex na may tigas ang boses. Gusto niyang ipahalata na hindi siya nasi­siyahan sa ginagawang pagkatok sa gate.

Pero hindi sumagot ang babae. Hindi rin kumikilos para ilantad ang mukha. Nagtataka si Dex. Anong gusto ng babaing ito? Baka may masamang tangka sa kanya? Baka may iba pang kasamahan ang babae at nilalansi siya. Baka ang mga kasama nito ay umaakyat na sa pader. Pero wala namang nakikita si Dex sa pali­gid. Maliit lang lote niya kaya saklaw agad niya ang kabuuan nito.

“Anong kailangan mo? Magpakilala ka?’’ tanong ni Dex na lalo pang tinigasan ang boses.

Pero hindi pa rin kumikilos ang babae sa kinakukublihan.

“Kung hindi ka sasagot, tatawag ako ng pulis!’’ sabing pananakot ni Dex. Kailangang gawin niya iyon para matakot ang babae.

Sa sinabi ni Dex, dahan-dahang kumilos ang babae.

Mula sa kinakukublihan ay nilantad ang mukha.

Hindi makapaniwala si Dex nang makilala ang babae.

“Lara!” (Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with