^

True Confessions

Kaibigan (84)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SI Tess ang ura-ura­dang tumawag ng taxi. Tiyempong may dumaan na taxi. Sumakay sila sa hulihan. Nauna si Tess sa pagsakay at saka sinabi sa drayber kung saan sila pupunta.

‘‘Sa Roxas Blvd. tayo, Manong, malapit sa MOA.’’

Umarangkada ang taxi.

‘‘Ang tagal mong lumabas sa opis, Dex. Akala ko mag-o-OT ka?’’

‘‘May inayos pa kasi ako sa table ko.’’

‘‘Nagulat ka ano. Hindi mo akalaing hini­hintay kita,’’ sabi ni Tess na nakangiti at tila ma­­­saya dahil magka­sama sila ni Dex.

“Oo. Gulat na gulat ako.’’

“Para kang nakakita ng multo?’’

“Hindi naman. Bakit kasi hindi mo sinabi na magbo-blowout ka para hindi na ako nagugulat.”

“Malay ko kung sa­sama ka. Mabuti nang biglaan.’’

“Sabagay. Happy birth­day ha?’’

“Next month pa.’’

Maya-maya, nakarating sila sa Roxas Blvd.

‘‘Deretso lang sa MOA, Manong. Pagdating dun sa kanto, kanan,’’ sabi ni Tess.

Nakarating sila sa restaurant. Kaunti pa ang tao. Umorder­ agad si Tess. Hina­yaan ni Dex.

‘‘Sa wakas nagka­sama rin tayo, Dex. Happy ako.’’

“Gusto mo talaga akong makasama ha?’’

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with