^

True Confessions

Kaibigan (48)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL na naghintay si Dex sa waiting lounge. Tatlong oras na mula nang ipasok sa ER si King at wala pa siyang balita. Hindi pa lumalabas si Lara. Kung tatawagan naman niya si Lara sa cell phone nito, baka hindi rin siya sagutin. Kung pupuntahan naman niya, baka hindi rin siya papasukin sa ER. Ano na kayang nangyari kay King?

Nasa ganoong pag-iisip si Dex nang matanaw niya ang pagdating ni Lara. Halatang problemado at malungkot

Tumayo si Dex para salubungin si Lara.

“Anong nangyari Lara?’’

Hindi agad nakasagot si Lara. Tila mabigat ang nadarama.

‘‘Masama ba?’’

Tumango si Lara.

“Ano nangyari?’’

‘‘May cancer si King—stage 4 na.’’

Natulala si Dex. Parang tumigil ang mundo sa narinig kay Lara.

‘‘Kaya ako natagalan dahil isinalang siya sa mga test. May gagawin pang test bukas para makumpirma ang sakit. Pero sabi ng doctor, malala na ang sakit—lung cancer.’’

‘‘Bakit nagka-lung cancer si Dex? Hindi naman siya smoker di ba?’’

‘‘Hindi lang sa sigarilyo nakukuha ang sakit, Dex. Hindi ko rin alam pero sabi ng doctor may lung cancer na natutuklasan kapag nakakalat na. At walang sintomas ang pasyente.’’

Napabuntunghininga si Dex. Bakit ang kaibigan pa niya?

‘‘Nasan si King, Lara?’’

“Nas ER pa. Mayroon pang ginagawa ang doctor.’’

“Nakakausap mo siya?’’

“Oo. Pero mahina ang boses. Parang hinahabol ang paghinga.’’

“Wala na raw magagawa pa ang mga doctor?’’

“Walang sinabi ang doctor.’’

“Sana may magagawa pa. Kawawa naman si King.’’

Napaiyak si Lara. Nayugyog ang balikat.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with