_ngayon
^

True Confessions

Monay (70)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Naka-shorts si Tri­shia na bumagay sa maputi at makinis na hita nito. Naka-t-shirt na nagpa­tingkad sa magandang hubog ng katawan. Ngayon lang napansin ni Joem na seksi pala si Trishia. Siguro’y dahil sa ngayon lang niya ito nakita na naka-shorts. Nang huli niya itong makita ay naka-jeans.

‘‘Para kang nakakita ng multo, Joem,’’ sabi ni Trishia na noon ay nasa may pinto pa ng bahay. Hindi pa inaanyayahan ni Joem na pumasok.

‘‘Ha? A e masyado kasi akong nagandahan at na­seksihan sa’yo Trish,” sabi ni Joem at inanyayahang pumasok si Trishia na noon ay nakangiti nang buong tamis.

“Ngayon mo lang napansin, Joem?’’

“Oo.’’

“Malabo na sigurong mga mata mo.’’

“Baka nga,’’ sagot ni Joem at nagtawa. “Baka kailangan ko nang magsalamin, he-he-he.’’

Umirap si Trishia.

“May ginagawa ka Joem?’’

“Wala. Hinihintay nga kita. Naghanda na ako ng ilulutong fishball. Alam ko takam na takam ka na sa fishball at sa sawsawan. Magluluto na ba ako?’’

“Mamaya na. Magkuwentuhan muna tayo.’’

“Sige. Ano bang pagkukuwentuhan natin?’’

“Marami.’’

“Gaya ng…’’

“Lalaking malabo ang mata, he-he-he!’’

“Ano?’’

“Lalaking malabo ang mata at saka walang pakiramdam!’’

“Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo Trish.’’

‘‘At isa pa, lalaking hindi makaintindi.’’

“Ang labo mong kausap.’’

“Hindi ka pa nakakahalata.’’

Nagtawa si Joem.

“Ano nga Trish?’’

“Halika tumayo ka.’’

Tumayo si Joem.

Tumayo rin si Trishia.

“Humarap ka sa akin,’’ sabi ni Trishia.

Humarap si Joem kay Trishia.

Biglang hinalikan ni Trishia sa labi si Joem. Nabigla si Joem. Pero dahil lalaki, nalasahan niya ang masarap na labi ni Trishia. Lumaban na siya ng halikan. Mainit ang kanilang halikan.

Nang may tumawag kay Joem mula sa labas.

(Itutuloy)

TRI­SHIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with