^

Ang Babae sa Silong (117)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

Naiwan ni Gab ang kan­yang panyo malapit sa butas. Hula ni Dado nakita na nito ang butas sa sahig at sa kuryusidad ay sumilip dito. Natuklasan na ang tapat ng butas ay ang kanyang kuwarto. Sa pagmamadali, naiwan niya ang panyo.

Bistado na siya ni Gab. Ang taong desente ay ma­ni­nilip pala. Peeping Tom. Ito ang dahilan kaya nagbago ito ng mood. Biglang nagbago ang timpla.

Hindi naman niya masisisi si Gab. Kahit sino ay mawawalan ng gana kapag­ natuklasang ang taong hi­na­hangaan at minamahal ay mayroon palang “kaka­ibang” ginagawa. Nakakasira ng araw ang malamang ang lalaking pinagtiwalaan ay isa palang Peeping Tom.

Pero maaari pang maibalik ang pagtitiwala ni Gab. Sasabihin niya ang totoo na talagang sumilip siya sa butas at nasubaybayan ang buhay nito. Dahil sa pagsubaybay, naging daan iyon para magsikap itong makilala hanggang matuklasan na mayroon pala siyang kakaibang damdamin para rito.

Sasabihin din niya kay Gab na mula nang makita niya ang katawan nito, lalong nag-umalab ang kanyang pagma­mahal dito.

Dinampot ni Dado ang panyo at lumapit kay Gab na noon ay nagbabasa pa rin ng magasin.

Naupo siya sa tabi nito.

‘‘Gab, sori. Alam kong nakita mo na ang butas sa sahig at galit ka sa akin ngayon. Alam kong naguho ang pagtitiwala mo sa akin. Alam ko rin na na­wala ang paghanga mo sa akin. Patawad Gab. Hihingi ako ng isa pang pagkakataon para patunayan na hindi talaga ako masama. Nangyari lang talaga iyon dahil sa kur­yusidad ko. Hindi talaga ako mapagsamantala.

‘‘Sa totoo lang, aksidente ko lang na nadiskubre ang butas na ‘yan. Wala talaga akong balak na manilip noon. Naglilinis din ako ng bahay ng mga panahong iyon nang madiskubre ko ang butas. Out of curiosity, kinutkot ko ang butas at nadiskubre kong tagusan pala ito sa kuwarto mo. At kauna-unahan kong nakakita ng babaing maganda ang katawan. Para kang Diyosa sa aking paningin ng gabing iyon. Natulala ako sa pagkakasilip. First time akong nanilip kaya sobra-sobra ang kabog ng aking dibdib.

“Hindi ko malilimutan ang tagpong iyon na una kitang nasilayan na walang saplot. Noon pa, sinabi ko sa aking sarili na gusto ko ang babaing ito. Mula noon, hindi na ako matahimik. Pinilit kong maki­pagkilala sa iyo noon pero mailap ka. Natatandaan mo nung magkita tayo sa bakery sa tapat, nagtatakbo ka nang kinausap kita. Para bang takot na takot ka sa lalaki…’’

(Itutuloy)

GAB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with