^

True Confessions

Ang Babae sa silong (44)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nakukonsensiya si Dado sa balak na pagsilip sa butas para ma­laman kung sino ang bisita ni Gab? Okey na sila ni Gab. Nag-sorry na nga sa kanya at binigyan pa siya ng itlog na maalat. Parang hindi na tamang gumawa pa siya ng labag sa taong humingi na ng paumanhin. Para ngang kaibigan na ang turing sa kanya ni Gab mula nang tulungan niya ito sa pang-aaway ng taxi driver. Sa tingin pa niya, malaki na ang paghanga sa kanya ni Gab. Parang ‘‘hero’’ na ang tingin nito sa kanya dahil nga sa pagsaklolo niya sa nakaaway na driver.

Pero malakas ang hatak na malaman niya kung sino ba ang bisita ni Gab ngayon. ‘Yun kayang lalaki­ na nasilip niya noon na humiga pa sa kama ni Gab o ‘yung may edad na lalaki na nakita niyang pumasok noon? O baka ang isa pang lalaking ilang beses na rin niyang nakita?

Sabi kanina ni Gab nang dalhin sa kanya ang itlog na maalat, kailangang makababa na agad siya dahil mayroong bisita. Hindi raw niya matatanggihan ang bisita kaya hindi na niya mapapabigyan ang hiling na pumasok sa room ni Dado. Pinapapasok ni Dado si Gab para makapagkuwentuhan sila. Sa ibang araw na lang daw.

At ang ikinatuwa at medyo ikinagulat ni Dado, si Gab na lang daw ang kakatok sa pinto niya para makipagkuwentuhan.

Bakit kaya ayaw niyang sa inuupahang kuwarto magkuwentuhan sila at kailangan pang siya ang kumatok sa kuwarto ng lalaki. Baka naman marumi nga ang bahay sabi sa kanya kanina?

Pero okey lang ‘yun kay Dado. Siguro nga ay home na agad sa kanya si Gab. “Hero’’ nga ang turing sa kanya dahil nasaklolohan niya sa pang-aaway ng taxi driver.

Pero talagang naiintriga si Dado.

Paano niya malalaman kung sino ang bisita ni Gab kung hindi siya sisilip sa butas?

Gusto niyang magkaroon ng kasagutan ang mga tanong.

Lumapit siya sa butas. Inalis ang nakapasak na papel.

Dumapa siya at sinilip ang nasa silong. (Itutuloy)

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with