^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (15)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Sabado. Walang pasok si Dado. Hindi muna siya maglalaba. Ang paglilinis muna ng bahay ang aatupagin niya. Lilinisin niya ang kisame. Marami nang agiw. Pati ang mga bintana ay pupunasan niya. Marami nang alikabok. Noong isang buwan pa siya naglinis ng kisame at bintana. Dahil ma­liiit lang naman ang inookupa niyang kuwarto (36 square meters), madali lang niyang natapos linisin ang kisame at mga bintana.

Pagkatapos, ang pagpa­pakintab naman sa sahig ang ginawa niya. Winalisan muna niya ang buong ku­warto at saka pinahiran ng floorwax. Tabla ang sahig kaya masarap pakintabin. Halos maubos ang isang lata ng floorwax sa buong kuwarto.

Pagkaraang pahiran ng floorwax, sinimulan na niyang bunutin gamit ang bunot ng niyog. Puwede siyang bumili ng floor polisher pero mas maganda kung bubunutin niya gamit ang paa. Mae-exercise pa siya. Malaking tulong sa kalusugan niya ang paglalampaso o pagbubunot ng sahig.

Nasa kainitan siya ng pag­lalampaso nang biglang may kumatok sa pinto. Sino kaya?

Binuksan niya.

Si Manang Oya. May dalang tocino na order niya.

“Good morning Dado, ito na ang order mong tocino. Ay sorry naglilinis ka pala ng bahay e na­abala kita.’’

“Okey lang Manang,” sabi ni Dado at inabot ang tocino.

“Magkano Manang?’’

“Gaya rin ng dati.’’

“Sandali Manang.’’

Kumuha ng pera si Dado at binayaran si Manang.

“Salamat Dado. Siyanga pala kapag may nakita kang butas o anumang sira diyan sa kuwarto mo e sabihin mo sa akin at ipakukumpuni ko.’’

“Wala naman akong nakikita Manang.’’

“Baka may butas sa sahig. Matagal na rin kasi ang tablang ‘yan. Asawa ko pa ang bumili niyan sa Blumentritt.’’

“Maayos pa naman Manang. Wala akong nakikitang butas o sira.’’

“Numinipis kasi ‘yang tabla sa kalalampaso.’’

“Hayaan mo po at kapag may nakita akong butas o sira sa sahig e sasabihin ko.’’

“Baka sa kisame ay may butas, sabihin mo lang agad sa akin.’’

“Opo.’’

Umalis na si Manang.

Itinuloy ni Dado ang paglalampaso sa sahig.

Nang mayroon siyang mapansin sa sahig. Ano ‘yun? Butas? (Itutuloy)

vuukle comment

BABAE

SILONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with