^

Ang Babae sa Silong (9)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2021 - 12:00am

Lalong lumikot ang imahinasyon ni Dado sa nakitang lalaki na pumasok sa kuwarto ng ba­baing nangungupahan sa silong. Sino naman ang la­laking iyon? Guwapo at maayos ang suot. Iyon ang ikalawang lalaki na nakita niya kahapon.

Nagpatuloy sa pag-ak­yat sa hagdan si Dado na ang isip ay nasa lalaking pumasok sa kuwarto ng babae. Nahihiwagaan siya.

Ano kaya ng babae ang lalaking pumasok? At ang lalaki kahapon na nakita niya, kaanu-ano kaya ang babae?

Pagkaraan ay napangiti­ si Dado. Masyado na yatang nagiging marumi ang kanyang isip.

Bakit ba masyado niyang pinag-aaksayahang isipin ang babaing nasa silong? Bakit ba masyadong “big deal” sa kanya ang babae. Siguro nga’y dahil wala siyang ibang makausap kaya ang mga nangyayari sa paligid ang kanyang napapansin. Parang nagiging tsismoso na siya.

Pagkatapos ay nagta­wang mag-isa si Dado. Tinawanan ang sarili.

Pagkatapos magpahinga ng ilang minuto, nagluto na siya ng hapunan. Hindi na siya bumili sa kanilang canteen sapagkat nagsawa na siya sa ulam. Ngayon ay pritong tilapia at ginisang repolyo ang kanyang niluto.

Nang makaluto ay kumain na siya at pagkatapos ay nanood ng TV. Pagkatapos ay natulog na. Iniwasan na niyang isipin ang babae sa silong.

Isang umaga, kumatok si Manang Oya. Dala ang inorder niyang daing na bangus.

“Magkano ito Manang?’’

“Two hundred. Masarap ‘yan.’’

Binayaran ni Dado.

“’Yan din ang inorder ni Gab ‘yung babae sa silong.’’

Natigilan si Dado.

Pagkakataon na para magtanong ukol sa babae. (Itutuloy)

SILONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with