^

True Confessions

Alupihan (211)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Masaya, maaliwalas­ at nakangiti ang imahe­ ni Maya. Ibig sabihin, pinatatawad na niya si Cris. Pinapayagan na rin siyang humanap ng ibang ba­baing mamahalin.

Masayang-masaya si Cris sa natanggap na pala­tandaan mula sa asawa.

Pumikit si Cris at umu­sal ng pasasalamat sa asawa.

“Alam kong mahal na mahal mo ako Maya. Alam ko na naliligayahan ka rin kapag naliligayahan ako. Kahit mayroon na akong ibang babaing mamahalin, ikaw pa rin ang nasa puso ko, Maya. Kahit magmahal ako ng ibang babae, ikaw pa rin ang narito sa puso ko, forever.

“Sinunod ko ang si­nabi mo na kung iibig ako sa ibang babae, ang pipiliin ko ay ang tulad mong mabait, malambing­, mapagmahal, maasikaso­ at matapat. Nakita kong lahat ‘yan kay Hani. Parang­ ikaw at si Hani ay nag-iisa.

“Maraming salamat uli mahal kong asawa. Sana patuloy mo akong subay­bayan sa bawat oras. Lagi mo akong turuan ng mga gagawin. Paalam na mahal kong asawa. Lagi kitang dadalawin at babalitaan ng mga nangyayari.

“Maraming salamat Maya…’’

Nang magmulat ng mata si Cris ay wala na ang imahe ni Maya sa lapida.

Magaan ang dibdib na nilisan ni Cris ang me­morial park.

KAHIT may pagsang-ayon na si Maya kay Cris, hindi rin naman nito magawang malapitan si Hani.

Nauunahan siya ng takot.

Hindi niya malaman­ ang gagawin para masabi kay Hani ang nilalaman ng kanyang damdamin. Paano ba siya magsisimula? Hindi kaya siya mapahiya kay Hani.

Isang umaga habang may ginagawa si Hani sa kusina ay palihim niya itong sinu­baybayan.

Kapag nakakita siya ng pagkakataon, magtatapat na siya kay Hani.

(Itutuloy)

MAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with