^

True Confessions

Alupihan (198)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Ilang beses pang sinuri ni Cris ang pangalang HANI LUPA at talagang ALUPIHAN ang lumalabas.

Anong misteryo me-ron si Hani?

Mula nang tumira siya rito, walang tigil ang pag­lutang ng mga alupihan. Gaya kanina na limang alupihan ang nakita niya at nang humanap siya nang maipanghahampas sa mga ito ay biglang nawala. Hindi niya alam kung saan nagpunta.

Anong meron si Hani at tila sinusundan ng mga alupihan?

Hindi kaya siya ang “reyna ng mga alupihan”?

Tapos ay si Cris na rin ang nagtawa sa sari­li. Masyado na yata siyang napapraning at pati si Hani ay napagbibinta-ngan niyang ‘‘reyna ng mga alupihan’’. Para siyang tanga! Kawawa naman si Hani na walang kamalay-malay na pinagbibintangan niya ng kung anu-ano.

Mas maganda kung tanungin niya si Hani ukol dito.

Pero paano niya sasabihin?

Baka ma-offend kung sasabihin niyang ipinaglihi ba ito sa alupihan. Oo nga. Baka kung ano ang isipin ni Hani. Baka dahil dun ay magtampo ito at maging dahilan para lumipat ng ibang tirahan.

Hindi na siya sanay na mag-isa.

Mas masaya siya kapag may kasama. At masaya siya kapag si Hani ang kasama rito sa bahay.

Hanggang maisip ni Cris na para hindi ma-offend si Hani ay pabiro niyang itatanong dito kung ano ang mabubuong hayop kapag pinaghalu-halo ang pangalan at apelyido nito. Parang magjo-joke siya. Ti-tingnan niya kung ano ang reaksiyon ni Hani kapag tinanong niya.

Mamayang gabi, pagdating nito ay sisimulan niya ang pagtatanong. Malalaman niya kung ano ang nakabalot na misteryo sa pangalan nitong HANI LUPA.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with