Alupihan (162)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

Tatlong babae na lamang ang boarders ni Cris – si Diana, Gretchen at Hani.

Si Diana na biglang umuwi sa probinsiya ang naghahatid sa kanya ng takot dahil sa mga sinabi ni Gretchen ukol dito. May kakutsabang magnanakaw si Diana at anumang oras ay maaaring pumasok sa bahay para maisagawa ang balak. At kaya umuwi si Diana sa probinsiya ay para huwag itong mapagbintangan.

Pero duda pa rin si Cris sa mga sinabi ni Gretchen ukol kay Diana. Hindi pa rin siya kumbinsido. Wala kasi siyang makitang ebi­densiya nang inspeksiyunin ang room nito. Naroon pa rin ang mga gamit nito.

Ang isang nakakuha ng kanyang pansin ay ang isang sulat na nasa ilalim ng unan nito. Hindi na niya binasa ang sulat sapagkat pakikialam na iyon sa gamit ng iba. Hinayaan na lamang niya.

Ang tanging gagawin na lamang niya ay maging handa sa mangyayaring pagnanakaw. Kailangan ay alerto siya. Kung maari ay hindi na siya matutulog para makapagbantay.

Kailangan din namang paghandaan niya si Hani.

Paano si Gretchen?

Sabagay alam naman ni Gretchen na may mangyayari kaya tiyak na makakapaghanda rin ito. Siya nga ang unang nakaalam na may balak si Diana.

At naisip din ni Cris, ma­buti na rin nga sigurong umalis ang tatlo niyang boarders. Kung magkakatotoo ang sinabi ni Gretchen na mayroong magnanakaw na ka­­kutsaba si Diana, baka mayroon pang madamay – baka may masaktan. Ha­limbawang magipit ang magnanakaw at mang-hostage baka isa sa mga boarder ang kanyang mahagilap. Kapag nagigipit ang crimi­nal, wala na siyang naiisip na mabuti at mangho-hostage na lang at papatay.

Kailangang maghanda siya at ganundin si Hani.

Pagsasabihan niya si Hani na maghanda.

Isang gabi, nagising si Cris dahil sa narinig na ingay mula sa labas. Mababaw ang kanyang tulog kaya dinig na dinig niya ang ingay na parang binubuksang bintana. (Itutuloy)

HANI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with