^

True Confessions

Alupihan (130)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PALAGAY ko Kuya, may kasunod pa ang mga ginawa sa akin ni Gretchen. Naputol nga lang nang may sumulpot na alupihan sa room ko. Pero kung hindi lumitaw ang alupihan baka nangyari ang gusto ni Gretchen,’’ sabi ni Hani.

“Palagay ko rin nga, Hani. Kasi sa tingin ko, hindi titigil si Gretchen hangga’t hindi nakukuha ang gusto sa’yo. Kaya payo ko e mag-ingat ka. At mag-ingat ka rin kay Diana. Kasi, silang dalawa ni Gretchen ang talagang magkarelasyon. Ngayon ka­pag nalaman ni Diana na ikaw na ang ‘‘apple of the eye’’ ni Gretchen, baka kung ano ang gawin sa’yo.’’

“Salamat sa paalala Kuya.’’

“Pati ikaw ay nadamay sa problema ko. Kung hindi dahil sa balak ni Diana, hindi ka masasangkot dito. Pero hayaan mo at makakaganti rin ako sa kabutihan mo.’’

“Wala ‘yun Kuya. Ang ma­halaga e nalaman natin ang balak ni Diana at makakapag-ingat ka.’’

“Oo nga. Mabuti nga at napilit mo si Gretchen na magtapat.’’

Napangiti na lang si Hani.

Maya-maya nagtanong si Hani.

“Ilang taon ka na ngang biyudo Kuya?’’

“Anim na taon na --- anim na taon nang nag-iisa. Iniwan kasi agad ako ng asawa ko.’’

“Anong ikinamatay ni Misis Kuya, kung hindi mo mamasamain.’’

“Kanser.’’

“Ah.’’

“Akala ko nun e matagal kaming magsasama. Mali­gaya naman kami kahit walang anak. Okey na sa akin kahit walang anak basta masaya kaming nagsasama ni Misis. Pero nawala agad siya sa buhay ko. Nung una ay talagang hindi ko matanggap ang pagkamatay niya. Nawalan ako ng siglang mabuhay. Ayaw ko nang magtrabaho, mangarap at natuto akong uminom ng alak. Wala na akong hangad pa at gusto magsama na kami sa kabilang buhay. Pero nabago rin ang paniwala ko. Hanggang sa mapag-isip kong kalimutan na ang nangyari at muling buma­ngon. Salamat at hindi ako nabigo. Naka-move on ako.’’

“Salamat naman at ganun ang nangyari, Kuya. Talagang dapat ay makapag-move on ang tao sa mga nangyari sa kanya.’’

“Hindi ko nga rin ina­asahan ang nangyari sa akin. Siguro dahil natuto akong magdasal. Humingi ako ng gabay at awa.’’

“Purihin ang Diyos,’’ sabi ni Hani.

‘‘Mabait ang Diyos.’’

‘‘Oo nga Kuya.’’

Maya-maya may itinanong si Hani.

“Mabuti at hindi ka na nakaisip pang mag-asawa Kuya?’’

Nakangiting sumagot si Cris. “Pangako ko sa aking asawa, hindi ko siya papalitan. Siya lang ang nag-iisa sa puso ko.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with