Alupihan (123)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

“PATAYIN mo Hani! Patayin mo! Gumapang sa unan!’’ nagtatarang na sabi ni Gretchen nang makabangon.

Nataranta si Hani. Hindi malaman ang gagawin.

Dinampot ang unan at ibinagsak sa kama.

Lumabas ang alupihan at gumapang sa kama.

“Patayin mo Hani!’’

Pero takot din si Hani kaya hindi ma­kakilos.

Nagtatakbo na pa­labas si Gretchen.

“Diyan ka na Hani, nangingilabot ako sa alupihan. Ayokong ma­kakakita niyan. Patayin mo ‘yan. Nagkakasakit ako kapag nakakakita niyan!’’ sabi nitong nanginginig ang boses at mabilis na lumabas ng kuwarto.

Si Hani ay pinanonood lang ang paggapang ng alupihan. Para siyang ipinako sa pagkakatayo.

Nakita niyang guma­pang ang alupihan at bumaba ng kama. Gu­mapang sa sahig at pumasok sa isang maliit na butas sa may kon­kre­tong haligi. Nagkasya ang alupihan sa maliit na butas.

Nawala na ang alupihan.

Saka lamang nagbalik sa wisyo si Hani.

Napaupo siya sa kama. Tila pagod na pagod siya sa nangya­ring biglang paglitaw ng alupihan.

Nag-isip siya nang malalim at binalikan ang mga nangyari kanina.

Nang sumulpot ang alupihan, kasalukuyang ibinababa ni Gretchen ang siper ng kanyang shorts. Ayaw niya pero mapilit si Gretchen. May titingnan lang daw.

Kung hindi lumitaw­ ang alupihan ay baka naibaba na ni Gretchen ang kanyang shorts, at nasilayan nito ang nasa loob ng kanyang saplot.

Hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin ni Gretchen.

Pero sabi ni Gretchen, titingnan lang daw.

Ikukumpara kaya ‘yung kanya?

Duda siya kung ga­nun nga ang gaga­win ni Gretchen.

Ganunman, nag­pa­­pasalamat siya sa pag­litaw ng alupi­han dahil hindi na­tuloy ang anumang balak ni Gret­chen.

Saan naman kaya nanggaling ang alupihan?

Sasabihin niya ang nangyari kay Kuya Cris. Pati na rin ang natuklasan niyang balak ni Diana.

Bukas, pupuntahan niya si Kuya Cris.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with