^

True Confessions

Alupihan (118)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Akala ni Hani ay nalimutan na ni Gretchen ang pinag-usapan nila kanina na kapag sinabi nito ang balak ni Diana, tatabihan niya ito sa kama. Hindi pala. Ngayon na siya niyayayang magtabi sila. Kailangang makipaglaro siya kay Gretchen. Susunod muna siya sa gusto nito.

Ano naman ba ‘yung hipo at halik na gagawin sa kanya ni Gretchen. Hindi naman siya mabubuntis ng hipo at halik. Mas nakakatakot kung lalaki ang gagawa niyon sa kanya at baka mamaya lang e tisbun na siya. Kaya kung anuman ang gagawin sa kanya ni Gretchen ay pipikit na lang siya. Siguro naman ay mabilis lang iyon.

At ang lahat nang ito ay gagawin niya para mahukay ang mga balak ni Diana kay Kuya Cris. Gusto niyang ma­tulungan si Kuya Cris sa­pag­­­kat mabait ito sa kanya. Bihira nang makakita ng katulad ni Kuya Cris na mabait at maalalahanin sa kanyang boarders.

At ngayong nalaman niya ang maitim na balak ni Diana, lalo siyang magpupursigi para malaman pa ang mga gagawin hanggang sa tuluyan nang mabuking at nang hindi na maisagawa pa.

Bukod pala sa ipaaangkin ni Diana kay Kuya Cris ang pinagbubuntis e kukuwartahan pa. Marami raw mapapakinabang kay Kuya Cris dahi marami itong ari-arian at may pera sa banko.

‘‘Hani, anong iniisip mo riyan, halika na!’’ yaya ni Gretchen na ikinagulat ni Hani.

“Ha? A e wala, Gretchen. May bigla lang akong naalala.’’

“Halika na!’’

“Ano bang gagawin natin, Gretch?’’

“Magtatabi lang tayo at magkukuwentuhan. Meron ka bang iniisip na gagawin tayo?’’

“Wala naman.’’

“Oy meron kang naiisip ano?’’

Nagtawa si Hani.

“Wala!’’

“E kung halikan kita? Kanina, hahalikan na sana kita kaya lang dumating si Diana. Naunsiyami tuloy.’’

“Halik lang pala e.’’

“Wow! Game ka ha?’’

“Halik lang naman. Ano namang masama sa halik?’’

‘‘Kahit halik sa labi? ‘Yung torrid?’’

Napalunok si Hani. Baka mapasubo siya kay Gretch.

Pero nakapangako na siya kaya sige na.

Tumabi siya kay Gretchen. (Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with