Alupihan (65)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2020 - 12:00am

Kinabukasan, eksakto alas nuwebe ng umaga ay dumating na si Hani para lumipat. Dala nito ang maleta, isang travelling bag at isang karton na may lamang electric fan.

Sinalubong ni Cris sa gate para tulungang ipasok ang mga dala-dalahan. Napansin ni Cris na naka-jeans si Hani. Hapit sa katawan. Seksi.

‘‘Ang aga mo Hani, akala ko mamaya ka pang tang­hali lilipat.’’

‘‘Oo nga Kuya. Para ma­aayos ko ang mga gamit ko. Ito lang naman ang mga gamit ko Kuya.’’

“Akina at ipapasok ko sa loob.’’

“Pasensiya na Kuya. Magbubuhat ka pa.’’

“Okey lang. Kayang-kaya pa naman. Maleta lang naman ‘yan.’’

“Damit ang laman nitong maleta Kuya. ‘Yung travelling bag ay kumot at unan at yung nasa box ay electric fan.’’

“Akina yang maleta.’’

Iniabot ni Hani ang maleta.

Binuhat  ni Cris.

“Magaan naman pala. Akina pa ‘yang travelling bag.’’

“Ako na Kuya.’’

“Akina at kaya ko pa. ‘Yung box na lang ang dalhin mo.’’

“Salamat Kuya.’’

Binuhat ni Cris ang maleta at travelling bag.

Sumunod si Hani na bitbit ang box ng electric fan.

Idineretso ni Cris ang mga bitbit sa second floor. Sumunod si Hani.

Binuksan ni Cris ang Room No. 6. Ipinasok ang maleta. Sumunod si Hani.

“Nilinis ko na itong room mo, Hani. Fresh na fresh!’’

“Oo nga Kuya. Salamat.’’

“Akina ‘yang electric fan mo para magamit na. Mainit dito.’’

Iniabot ni Hani. Binuksan ni Cris ang box. Maliit na desk fan. Ipinatong ni Cris sa pandak na table. Isinaksak at ini-on. Umikot ang fan.

‘‘Ayan, malalamigan ka na. Advise ko medyo bumili ka nang malaki-laking electric fan.’’

“Oo nga Kuya.’’

“Kapag yumaman ako, palalagyan ko ng aircon lahat nang kuwarto.’’

“Talaga Kuya?’’

“Pag yumaman ako. Hindi ko alam kung ka­ilan ‘yun, ha-ha-ha!’’

Napangiti lang si Hani.

‘‘Sige iiwan na kita. Puwede mo nang ayusin ang mga damit mo.’’

“Salamat Kuya.’’

Humakbang na si Cris para lumabas pero tinawag siya ni Hani.

‘‘Kuya sandali lang!’’

(Itutuloy)

 

CRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with