Alupihan (21)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - June 10, 2020 - 12:00am

Naghanap ng bagong door knob sa cabinet si Cris. Mula nang ipasya niyang magpa-board, nag-istak na siya ng mga gamit na pamalit sa anumang bagay na masisira. Kabilang sa mga naka-istak niya ay bumbilya, spare parts ng electric fan at eto ngang door knob.

Nang makakuha ng bagong door knob pati na ang screw driver na gagamitin ay nagtungo na siya sa Room No. 4 na inuukopa ni Gretchen.

Nakalapat ang pinto ng kuwarto ni Gretchen nang dumating siya. Kumatok siya nang marahan.

Binuksan ni Gretchen.

“Tingnan mo Kuya ang door knob, sira na nga yata.’’

Ininspeksiyon ni Cris ang door knob. Pinihit-pihit. Nakatingin si Gret­chen.

“Sira na nga ang door knob. Papalitan ko.’’

“Mabuti at may spare ka Kuya?’’

“Oo. Lagi akong may nakatabi na ipapalit.’’

Kinalas ni Cris ang sirang door knob. Habang ginagawa iyon ay nakatingin pa rin si Gretchen.

“Mabuti at marunong kang magpalit niyan, Kuya?’’

“Pinag-aralan ko. Kailangan kasi ngayon lahat ay alam para hindi na magbabayad.’’

“Wow! Tama ka Kuya.’’

Naalis ni Cris ang sirang door knob at pinalitan ng bago. Nakatingin pa rin si Gretchen.

“Binata ka ba Kuya? Kasi wala akong nakikitang kasama mo rito?’’

“Biyudo ako.’’

“Talaga?’’

Parang masaya si Gretchen sa nalaman.

(Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with