^

True Confessions

Ahas sa garden (391)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG makaalis si Nicole at mapag-isa na si Alexis sa kamalig, saka lamang niya naalala ang tungkol sa ahas. Noong nasa mansion pa siya ni Sir Nath at ng ka-live-in nito na si Brenda, isang ahas din ang nakita niya sa loob ng bakuran. Itim din ang ahas. Kahit na iniutos sa kanya ni Sir Nath na hanapin para patayin ang ahas, hindi na niya natagpuan. Nagsinungaling lang siya kay Sir Nath na napatay niya ito pero sa totoo lang ay hindi.

Ngayon lang niya na­isip na tila may kaugnayan ang ahas na iyon sa kanyang buhay. Parang siya ang naging “ahas” sapag­kat pumayag siya noon sa mga kagustuhan ni Brenda. Nadala siya sa panunukso ni Brenda at nakipagtalik dito. Nilason ni Brenda ang isipan niya.

Natatandaan niya, inutusan pa siya ni Brenda na patayin si Sir Nath. Kapag napatay daw niya si Sir Nath, sila na ang magsa­sama. Mamumuhay sila nang marangya. Bibilhin ang lahat nang magustuhan. Mabuti na lamang at nakapag-isip siya at hindi sinunod ang utos ni Brenda. Kung ginawa niya ang utos baka nakakulong siya o baka patay na.

Mabuti at nabago ang landas niya. Hindi siya naligaw at ngayon ay may maganda nang hinaharap.

Hindi niya malilimutan na minsan ay naging “ahas” siya. Pero maaari rin naman palang magbago ang isang “ahas” na katulad niya. Nasa tao na kung pipilitin niyang magbago.

Pero ano naman kaya ang kahulugan ng ahas na nakita ni Nicole sa gulayan? Meron kayang ibig sabihin iyon?

Napangiti si Alexis. Wala naman sigurong ibig sabihin iyon sapagkat wala namang mag-aahas sa kanyang mga tauhan.

Mabait siya sa kanyang mga tauhan at gusto niya, lahat ng mga ito ay magka­roon nang magandang buhay. Ayaw niyang makitang naghihirap ang mga tauhan sa gulayan. Iyon ang tangi niyang layunin kaya binigyan niya ng trabaho ang mga tao sa barangay.

Adbokasiya niya na ang lahat sa barangay ay kumikita at walang tambay. Kaya sigurado siyang walang “ahas” sa kanyang mga tinulungan. Walang ga­ganti nang masama sa ipinakita niyang kabutihan.

Maaaring ang kahulugan­ ng ahas na nakita ni Nicole ay ang pagdating pa ng mga biyaya at mga magagandang pagkakataon para umunlad ang kanyang negosyo.

Kapag nagpatuloy ang pag-unlad, lalo pa siyang maraming matutulungan. Lahat ay magkakaroon ng trabaho sa gulayan. Magiging masaya ang lahat at walang maghihirap.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with