Ahas sa Garden (385)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

HABANG niluluto ni Nicole ang kare-kare, nakamasid si Alexis at maraming itinatanong ukol sa pag-aaral nito ng Business Admin.

“Anong oras ka ba umuuwi sa gabi pagkatapos ng klase?’’

“Pasado alas nuwebe na po Mang Alexis. Pag may time kasi ay duma­daan pa ako sa library para manghiram ng libro.’’

“E di wala nang gaa­nong estudyante sa campus sa mga oras na yun?’’

“Meron pa rin po. Ma­rami rin kasing working student kaya marami pa rin akong kasabay na naghihintay ng sasakyan.’’

“Ano ang sinasakyan mo? Dyip o traysikel?’’

“Traysikel po. Mas madali kasing mapuno kaysa dyip.’’

“Wala namang problema sa pagsakay?’’

“Mahirap lang po kapag umuulan dahil agawan    sa traysikel o dyip?’’

“Kawawa ka naman,’’

“Kaya naman po. Mas mahirap nga sa Maynila kapag inabot ng ulan dahil balyahan sa dyip para makasakay dito e hindi.’’

“Naranasan mo pala sa Maynila na makipag-agawan sa pagsakay?’’

“Ay opo! Nahihipuan pa nga ako. Lalo sa pagsakay sa Avenida daming nana-nantsing!’’

Napatawa si Alexis.

“Anong ginagawa mo pag nahipuan ka?’’

“Wala po. Hindi ko na lang pinapansin. Kaya kapag punuan na sa dyipni at inaakala kong mahirap nang sumakay pinagtitiyagan kong maglakad mula Recto hanggang sa amin.’’

“Kawawa ka pala talaga nun. Marami ka na pala talagang pinagdaanan dahil sa hirap ng buhay.’’

Napangiti lang si Nicole. Tinitimplahan na niya ang kare-kare. Tinikman.

“Okey na ito, Mga five minutes na lang ito Mang Alexis at puwede nang kumain. Huli kong ilalagay ang petsay para hindi gaanong maluto.’’

“Naku may nakalimutan ako, Nicole!’’

“Ano po yun?’

“Wala pa tayong sinaing!’’

“Akala ko kung ano na ang nakalimutan mo Mang Alexis. Nagulat tuloy ako, he-he-he!’’

“Ako na po. Nasaan po ang rice cooker?’’

“Teka at lilinisin ko.’’

“Ako na po.’’

Sa pagdampot ni Nicole sa rice cooker ay nawakan ni Alexis ang kanyang kamay.

Nagkatinginan sila.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with