Ahas sa garden (378)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2020 - 12:00am

HABANG naglilinis ng bahay ay binabalikan ni Nicole ang pangya­yari kung paano siya napunta sa gate ng bahay ni Mang Alexis ng gabing iyon na hina­habol siya ng lalaking tauhan ng KTV na pi­nagdalhan sa kanya para pagsayawin ng hubad.

Kung sa ibang gate kaya siya napunta at hindi sa gate ni Mang Alexis, ganito rin kaya ang buhay na hinantungan niya. Maa­aring hindi. Baka napariwara pa siya. Baka pag-interesan pa siya kung mayroon mang tutulong sa kanya.

Mabuti na lamang at kay Mang Alexis siya napunta. Siguro dahil dasal siya nang dasal na sa mabu­ting­­ tao siya dalhin ng kanyang mga paa. Sa totoo lang, pagod na pagod na siya noon kaya sumalampak na lamang siya. Doon siya nakita ni Mang Alexis at naawa sa kanya. Na­pakabuti ni Mang Alexis. Kinupkop at binigyan siya ng trabaho.

Hindi alam ni Nicole kung paano magagantihan si Mang Alexis.

ISANG araw na walang pasok si Nicole, nagulat siya nang big­lang dumalaw si Mang Alexis.

“Pasok ka Mang Alexis.’’

“Ang ganda ng bahay mo, Nicole.’’

“Salamat po.’’

Hindi malaman ni Nicole ang gagawing pag-istima kay Mang Alexis.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with