_ngayon
^

True Confessions

Ahas sa Garden (348)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAKA-LIVE-IN ng Ate Brenda mo ang isang mayamang lalaki na nagngangalang Nath. Ako naman ay gardener/janitor sa bahay ni Sir Nath. Nasubaybayan ko ang kanilang pagsasama. Mabait si Sir Nath pero duma­ting din ang panahon na nasira ang kani­lang pagsasama. Pa­reho silang may problema. Nambabae rin si Sir Nath at nang malaman ni Brenda, ginan­tihan niya ito. Ako ang ginamit ni Brenda para magantihan si Sir Nath. Inudyukan ako ni Brenda na pa­tayin si Sir Nath. At ang kapalit ay pagniniig namin. Maraming beses kaming nagtalik at na-brain washed niya ako. Nang papatayin ko si Sir Nath, hindi ko magawa. Hindi ko kayang puma­tay. Lumayas na lamang ako kaysa masad­lak sa kasamaan.

“Nagsama muli sila makaraang magpatawa­ran. Hanggang na mabalitaan ko na tuluyan nang iniwan ni Brenda si Sir Nath. Pero bago umalis, ninakawan niya ang matanda ng may P20 milyon.  Hanggang­ sa malulong siya sa sugal at naubos din ang pera. Nang maubos, nalinya siya bilang courier ng ecstacy at heroine. Hanggang sa mapatay siya.’’

Napatangu-tango si Franco sa mga nalaman­ ukol sa ate niya.

‘‘Hanggang dun na lang ang nalalaman ko Franco.’’

‘‘Salamat Sir Alexis. Ngayon ay mayroon na akong nalalaman kay Ate Brenda. Masama pala talaga ang kinahantungan ng bu­hay niya. Siguro kaya hindi na niya ako hinanap pa ay dahil nag-aalalang ikahiya ko siya. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon dahil naging pa­tapon na ang buhay niya.’’

Huminga nang ma­lalim si Franco.

(Itutuloy)

BRENDA FRANCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with