^

True Confessions

EDITORYAL – Parusahan ang nagtapon ng mga baboy

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Parusahan ang nagtapon ng mga baboy

UMABOT na sa 56 ang natagpuang palutang-lutang na baboy sa Marikina River at maaaring may ma­tagpuan pa. Sinusuyod pa ng mga veterinary workers­ sa Marikina ang kahabaan ng ilog para matiyak na wala nang patay na baboy doon. Inilibing na ang mga natagpuang baboy para hindi na lumaganap pa ang sakit. Bagama’t hindi naman naililipat sa tao ang African Swine Fever (ASF), maaari namang may su­mulpot na ibang sakit dahil sa pagkakontamina ng tubig mula sa mga naaagnas na baboy. Pinagba­ba­­­walang maligo ang sinuman sa Marikina River upang makaiwas sa sakit na dulot ng mga patay na baboy.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, tukoy na nila ang mga nagtapon ng patay na baboy sa ilog at inihahanda na nila ang pagsasampa ng ka­ukulang kaso laban sa mga ito. Dalawang kaso ang kinakaharap ng mga iresponsableng nagtapon ng mga baboy --- paglabag sa Sanitation Code at Clean Water Act. Kasong sibil at kriminal ang kahaharapin ng mga nagtapon ng baboy na hinihinalang may ASF.

Hihingi ng danyos ang Marikina sa mga mapapatunayan. Lahat nang ginastos nila sa pagkuha sa mga inanod na baboy at ganundin sa paglilibing ng mga ito ay kukunin nila.

Nagbabala naman ang Department of Agriculture sa lahat ng mga nag-aalaga ng baboy sa kanilang likod-bahay na ireport ang kalagayan ng kanilang mga alaga sa kanilang tanggapan. Kapag napansin na may sakit ang mga baboy, ipagbigay-alam agad sa DA para mabigyan ng tamang solusyon at hindi kumalat ang sakit. Ang sinumang hindi mag-report ng kalagayan ng mga alaga ay parurusahan ayon sa batas.

Nagbabala rin ang departamento sa mga nagta­tapon ng mga patay na baboy sa mga ilog at sapa na mahaharap sila sa mabigat na kaso. Lumalabag sila sa Animal Welfare Act na may katumbas na kaparusahan. Hindi dapat itinatapon sa ilog ang mga patay na hayop.

Nararapat parusahan ang mga nagtapon ng baboy para hindi na maulit ang ganitong gawain. Dahil sa kanilang ginawa, maaaring kumalat sa buong bansa ang ASF. Dahil sa kanilang pagiging iresponsable at kamangmangan na rin, idadamay pa ang lahat ng baboy. Makabubuti kung imomonitor ng DA ang mga nag-aalaga sa kanilang bakuran sapagkat maaaring dito nagmula ang mga tinapong baboy.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with