^

True Confessions

Ahas sa Garden (234)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KAHIT hirap na hirap kumilos, pinilit pa ring mag-casino ni Sir Nath. Hindi naman makatanggi si Brenda kaya sinamahan pa rin si Sir Nath para magsugal. Pero iyon na ang huli niyang pagsama kay Sir Nath dahil lalaya­san na niya ito sa lalong madaling panahon. Plan­tsado na ang plano niya.

Gaya ng dati, talo uli si Sir Nath.

Lalong sumama ang pakiramdam pagkagaling sa casino. Hindi na halos maikilos ang braso dahil namamaga. Gout daw iyon.

“Sabi ko na sa’yo matatalo ka uli, ang tigas ng ulo mo!” sabi ni Brenda nang nasa condo na sila. Hirap na hirap sa pagla­lakad si Sir Nath. Nakaismid naman si Brenda. Pero sa isip niya, kaunting tiis na lang at matatapos na ang pakikisama niya sa matanda.

“Paggaling ng gout ko, punta uli tayo sa casino, Babe. Mananalo pa ako. Malakas ang kutob ko. Nanaginip ako ng ebs kagabi at sigurado maka­kabawi na ako. Bukas mag-withdraw ka ng pera ha.’’
Tumango lang si Brenda at saka napangiti. Wala ka nang iwi-withdraw sa mga susunod dahil simot na. Ubos na ang pera mo! Nasa akin na lahat, ha-ha-ha!

“Kapag nanalo ako, Babe, punta tayo sa Boracay. Malinis na raw ngayon.’’

Napatango uli si Brenda. Wala ka nang makakasama patungo roon, ha-ha-ha! La­layasan na kita!

“Gusto ko lagi ka sa aking­ tabi, Babe. Huwag kang aalis sa tabi ko.’’

Tumango si Brenda. Paggising mo isang umaga, wala na ako. Mag-isa ka na lang!

“Ikaw lang ang mahal ko, Babe. Ang mga anak ko, walang utang na loob. Pagkatapos kong pag-aralin e ako pa ang kakalabanin. Akala siguro nila hindi ko kayang mabuhay. Narito ka yata, di ba Babe?’’

Tumango na lang si Brenda.

Hayaan na lang niya na magsalita nang magsalita si Nath. Hindi na mag­ta­tagal at lalayasan na niya ito. Makakatakas na rin siya sa pag-aalaga sa matanda.

ISANG umaga, isina­katuparan na ni Brenda ang paglayas.

Inihanda na niya ang maleta na punumpuno ng pera.

Tulog na tulog si Nath. Walang kamalay-malay na paggising niya, wala na si Brenda.

Marahang humakbang si Brenda palabas ng kuwarto. Hawak niya nang mahigpit ang maleta.

“Babayyu, Babe! Bahala ka na sa buhay mo!”

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with