^

True Confessions

Ahas sa Garden (209)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ANG mga nakadepositong pera ni Sir Nath sa banko ay nasa pangalan din ni Brenda – joint account sila.

Hindi makapaniwala si Brenda. Hindi na pala niya kailangang utu-u­tuin si Nath dahil kusa na pala nitong nilagay sa pangalan nilang dalawa ang pera. Milyonarya na pala siya kung ganun!

Mula nang malaman ni Brenda na joint account sila ni Nath, marami pa siyang naki­tang pagbabago sa ka-live-in. Hindi na ito nagtutungo sa mga out of town meetings at conferences. Kung noon ay halos linggu-linggo itong nagpapaalam sa kanya para dumalo sa kung anu-anong event sa kompanya, ngayon ay lagi na lang ito sa condo unit nila. At kung lalabas man, gusto ay lagi siyang kasama.

Nakapagtataka ang mga kinikilos ni Sir Nath!

Minsan, hindi na naka­tiis si Brenda at tinanong si Sir Nath.

Nilambutsing muna niya ito saka pasimpleng tinanong.

“Babe, napapansin ko, hindi ka na dumadalo sa mga meeting o affair n’yo. Dati nag-a-out of town pa kayo di ba?’’

Napangiti si Sir Nath.

Niyakap siya nito at hinalikan sa buhok.

“Ayaw ko nang dumalo. Gusto ko kasi, lagi na sa pi-ling mo. Ayaw kong mawaglit sa’yo kahit sandali…’’

Hindi makapaniwala si Brenda sa narinig.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with