^

True Confessions

Ahas sa Garden(192)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SINAMANTALA ni Ester ang pagkakataon habang nag-iisa si Sir Nath sa gate ng mansion. Wala ang sagabal na si Brenda.

Nilapitan niya ito.

“Magandang umaga po, Sir Nath.’’

Napatingin si Sir Nath sa kanya.

“Magandang umaga naman. Ikaw yung maid diyan sa tapat ano?’’

“Opo. Ako po ay kaibigan ni Manang.’’

“Ah oo.’’

Sinimulan na ni Ester ang pagkukunwari.

“Hindi ko na po nakikita si Manang, Sir. Umuwi po ba siya ng probinsiya?”

Tila nagulat si Sir Nath sa tanong. Pero maayos pa rin itong nakasagot.

“Hindi ko alam kung nasa probinsiya siya. Basta umalis at wala akong ideya kung babalik pa siya.’’

“Ganun po ba?’’

“Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Ma­nang. Mahirap saklawan ang isipan ng isang tao.’’

“Pero kung babalik po siya, tatanggapin mo po uli.’’

“Hmmm, siguro pero baka hindi na rito.’’

“Paano pong hindi na rito Sir. Pasensiya na po sa pagiging makulit ko.’’

“Kasi’y ibebenta ko na itong mansion na ito. May buyer na ako at magbabayaran na kami sa lalong madaling panahon. Kung babalik si Manang --- kung gusto pa niya e maaaring sa condo ko na lang. Nasa sa kanya ‘yun.’’

“Naku mawawala­ na po pala kayo rito, Sir Nath. Sana ang maka­bili ng mansion ay ka­tulad mo ring mabait para tahimik dito.’’ Na­pangiti lamang si Sir Nath.

“Marami pong sa­la­mat Sir Nath. E wala ka po bang number ni Manang?’’

“Wala.’’

“Salamat po uli.’’

Umalis na si Ester.

Agad niyang ibina­lita kay Manang ang mga sinabi ni Sir Nath.

Nanlumo si Ma­nang at maiiyak sa balitang dala ni Ester. Hinayang na hinayang siya sa ibebentang mansion.

“Tiyak na si Brenda­ ang nag-udyok na ibenta­ ang mansion. Tala­gang sinira ng babaing yun ang pamilya ni Sir Nath.’’

“Sa condo na raw sila titira, Manang.’’

“Napapayag ni Brenda si Sir Nath. Tala­gang may kamandag ang babaing yun.’’

“Pero sabi ni Sir Nath, puwede ka raw bumalik sa kanya.’’

“Hindi na, Ester. Ang gusto ko makausap siya para masabi ang katotohanan ukol kay Brenda.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(192)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with