^

True Confessions

Ahas sa Garden(172)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“IKAW na lang ang humarap kay Sir Nath, Manang at ihingi mo ako ng tawad. Hindi ko kayang humarap sa kanya,” sabi ni Alexis.

“’Yan na ba talaga ang pasya mo, Alexis?’’

“Oo Manang. Lalayo na ako rito.’’

“Uuwi ka sa probinsiya n’yo? Masusundan ka roon. Di ba ang itay mo at si Sir Nath ay magkakilala kaya ka nga naipasok na gardener.’’

“Oo Manang. Bahala na. Basta mapapalagay ang loob ko kapag nasa probinsiya at kasama ang mga magulang ko.’’

“Sige ikaw ang bahala. Pero gagawin ko ang lahat para makausap si Sir Nath at sasabihin ko ang lahat sa kanya na kaya mo nagawang patulan si Brenda ay dahil na rin sa paglason sa isip mo. Binilog ni Brenda ang ulo mo kaya mo nagawang patulan ang panunukso. Sasabihin ko lahat kay Sir Nath iyon.’’

“Salamat, Manang. Sa­bihin mo rin ang sinabi sa akin ni Brenda na sisibakin ako ni Sir Nath sa pa­giging gardener kaya dapat ko itong labanan.’’

“Oo, sasabihin ko.’’

“Paano tayo magkakaroon ng komunikasyon, Manang? Wala akong cell phone.’’

“Ako rin ay wala dahil binasag ng walanghiyang Brenda.’’

“Saan kita makikita Ma­nang para magkaroon ako ng balita.’’

“Puntahan mo na lang ako sa bahay na ito. Lagi ako rito.’’

“Sige Manang, aalis na ako.’’

“Mag-ingat ka Alexis. Hayaan mo at magkikita pa uli tayo. Matatapos din ang problemang ito na nilikha ng salot na si Brenda.’’

Umalis na si Alexis.

NANG mga sandali namang iyon ay hindi malimutan ni Sir Nath ang ginawa ni Alexis kay Brenda. Nana-naig kay Nath ang mga sinabi ni Manang sa kanya. Gusto niyang masiguro na wala talagang nangyaring pagtatalik sa pagitan ng dalawa.

“Babe, talaga bang hindi kayo nagtalik ni Alexis?’’

“Hindi!’’

“Kasi’y naalala ko ang sinabi ni Manang.’’

“Hayop kasi ang matandang ‘yun! Gusto akong mapalayas dito kaya kung anu-ano ang sinumbong sa’yo!” (Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(172)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with