^

True Confessions

Ahas sa Garden (167)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

WALA rin sa swimming pool si Alexis.

“Wala rin dito ang ahas na si Alexis! Nakapagta­taka kung paano siya nakalabas ng bahay gayung­ may sugat.’’

“Sabi ko nga sa’yo Babe, tinulungan siya ng walanghiyang si Manang. Malaki kasi ang galit sa akin ni Manang. Gusto talaga niyang mapalayas ako rito.’’

“Bakit?’’

“Hindi ko alam. Basta iyon ang gustong mangyari. Noon pa mang una mo akong dalhin dito sa bahay na ito ay naramdaman ko nang mabigat ang loob niya sa akin.’’
Nag-isip si Nath.

“Wala ka bang napa­pansin kay Manang? Ha­limbawa ay may kausap siya sa telepono.’’

“Wala naman. Bakit?’’

“Baka kasi kausap niya ang dalawa kong anak sa Australia. Malay mo baka may kaugnayan dun kaya mabigat ang loob sa’yo.’’

“Posible iyon, Babe. Sinulsulan siguro ng mga anak mo ang walanghiyang si Manang para palayasin ako rito. At pati ang ahas na si Alexis, tumulong na rin kaya pinagtangkaan akong gahasain. Napakawalang­hiya nila!’’

Naawa si Nath kay Brenda.

“Huwag ka nang umiyak. Magbabayad sa akin ang mga umapi sa’yo!’’

Tumigil sa pag-iyak si Brenda.

“Paano natin haha­napin ang ahas na iyon, Babe?’’ tanong ni Brenda pagka­tapos.

“Ako ang bahala! Basta magbabayad siya sa gi­nawa sa’yo!’’

“Pati ang matandang walanghiya, dapat ding ma­­nagot sa ginagawang paninira sa pagkatao ko.’’

“Oo, ako ang bahala sa ka­nila!” (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with