^

True Confessions

Ahas sa Garden (12)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BA’T may ahas dito?” sabi ni Nath.

Patakbong lumapit si Alexis.

“Nasaan Sir?’’

“Eto o! Paano nagka­roon ng ahas dito sa loob ng bakuran?’’

Pinagmasdan ni Ale­xis ang ahas. Maliit lang ito. Itim. Tinatawag na ahas-tulog. Hindi ito ma­kamandag.

“Hindi ko po alam Sir!’’

“Hulihin mo! Huwag mong papatayin at baka may makakita sa’yung taga-DENR. Bawal pa­tayin ang ahas nga­yon.’’

Tinangka ni Alexis na hulihin ang ahas sa pamamagitan ng pagdampot sa buntot nito. Alam niya na kapag hinawakan sa buntot ang ahas ay hindi ito makakakilos.

Pero bago niya na­dampot ang ahas ay ma­bilis na nakapasok sa ilalim nang malagong am­palaya.

Hinanap ni Alexis. Nakatingin si Nath. Medyo naiinis siya dahil sa pagkakaroon ng ahas sa garden. Paano nakapasok ang ahas sa garden.

Patuloy sa paghaha­nap si Alexis. Pero wala na.

“Saan nagpunta ang ahas?’’

“Nawala pong bigla!’’

“Hanapin mo at baka dito pa lumaki at dumami pa yan. Kahit hindi yan makamandag ay nakakatakot din. Baka nasa ilalim ng mga damong iyon.’’

Hinanap ni Alexis. Gumamit na siya ng kalahig na pangdamo pero hindi niya makita ang ahas.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with