Ahas sa garden(11)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2019 - 12:00am

MALIGAYANG-MALIGAYA si Nath sa piling ni Brenda. Ngayon lang siya nakadama nang ga­nito. At inaamin ni Nath na ang pagiging mahusay ni Brenda sa pakikipagtalik ang isa sa mga dahilan kaya love na love niya ito. Inaamin niya na noong nabubuhay pa ang kanyang asawa, hindi siya nakaranas ng luwalhati sa pakikipagtalik. Masyado kasing conservative ang kanyang asawa, ganunman, mahal na mahal niya ito. Superbait at maalalaha­nin ito.

Malaki ang kaibahan ni Brenda sa yumaong asawa kung ang pag-uusapan ay tungkol sa pakikipagtalik. Bigay-todo si Brenda. Walang kapaguran. Marami pa raw siyang ibibigay. Kaya siya ang sumusuko kay Brenda. Ibang klase si Brenda na walang kasawa-sawa kung ang pakikipagtalik ang pag-uusapan. Mayroon palang babae na walang kasinglakas ang resistensiya.

Siguro’y dahil may edad na siya kaya mas sumusuko siya sa “pakikipaglaban”. Kaya kailangang ma­ging malakas siya. Kaila­ngang mag-take siya nang pampalakas. Mahirap kapag hindi niya nasabayan si Brenda.

PABORITO ni Nath ang mga sariwang gulay. Kaya nga tamang-tama ang maluwang niyang ba­kuran sa likod ng bahay na may taniman ng gulay. Bukod dun, mayroon pa siyang flower garden na sinimulan ng kanyang na­mayapang misis. Mara­ming orchids doon at iba pang namumulaklak na tanim.

Maraming tanim na gulay si Alexis – upo, patola, talong, okra at iba pa.

“Tamang-tama, masa­rap magpinakbet at diningding. Paborito ni Babe.’’

“Marami ito Sir. Masarap ito at sariwa.’’

“Sige damihan mo pa, Alexis.’’

‘‘Mahilig ka po pala sa pinakbet, Sir ?’’

‘‘Oo. Masarap yun.’’

“E Bulanglang po?’’

‘‘Paborito ko rin yun.’’

Pinasyalan ni Nath ang kaloob-looban ng vegetable garden.

Hanggang sa may mapansin siya sa bahaging damuhan.

Tinawag niya si Alexis.

“Halika Alexis! Ano yun!’’

Lumapit si Ale­xis.

‘‘Ahas!’’

(Itutuloy)

AHAS SA GARDEN(11)
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with