^

True Confessions

Sadiq (123)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KUMUHA na ng mga crew sina Sadiq para mapabilis ang serbisyo sa mga customer. Anim na working students ang kanilang kinuha. Ang panganay na si Cath ang kumuha sa mga crew.

 

Kaya ang resulta, lalong bumilis ang kanilang serbisyo sa mga customer. Ang tatlong anak ay nagsu-supervise na lang. Nasusubaybayan nila nang maayos ang negosyo. Napanatili nila ang magandang serbisyo sa mga customer.

 

Nang makita nina Sadiq at Gina ang kagandahang dulot nang pagkakaroon nang mga tauhan, lalo siyang bumilib sa talino ng mga anak – lalo na sa panganay na si Cath na malawak ang pananaw sa business na kanilang pinasok.

“Tama ang mga anak mo, Mommy, sa pagkuha ng mga crew, nakatulong pa tayo sa ibang tao. Nakapag-create tayo ng trabaho. Kahit paano, ang mga tauhan nating working students ay nakakapagpatuloy ng pag-aaral. Hanga talaga ako sa mga anak mo.’’
“Ako man Daddy. At akalain mo, kahit na nagtatrabaho ang mga anak mo, nangunguna pa rin sila sa klase. Alam mo bang si Cath ay magtatapos na cum laude? Sinabi niya sa akin.’’

“Talaga? Wow! Selebrasyon na naman ito!” (Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with