^

True Confessions

Sadiq (95)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, nang du­mating mula sa school ang tatlong anak ni Sadiq, agad niyang tinanong kung mayroon nang nakahandang pangalan ang mga ito sa kanilang food business.

“Ready na kami Daddy!” sabay-sabay na sabi ng tatlo.

“Sige mag-lunch muna kayo at pagkatapos ay saka natin pag-uusapan ang mga naisip n’yong pangalan.’’

“Hindi pa kami gutom Daddy. Ngayon na natin­ pag-usapan ang pangalan,” sabi ng panganay.

“Oo nga Daddy. Excited na kami.’’

Ganundin ang sinabi ng bunso.

Pagkatapos daw nun saka sila kakain.

“Okey sige. Isulat n’yo sa papel ang mga naisip­ na pangalan at saka natin pipiliin ang pinakamaganda.’’

“Nakasulat na ang sa akin, Daddy,” sabi ng bunso.

“Ako rin nakasulat na,” sabi ng pangalawa.

Ang panganay na lamang pala ang hindi naisusulat kaya mabilis na isinulat ang mga naisip.

Pagkaraang makapagsulat ang panganay, sinimulan na ni Sadig ang pagpili.

Binasa niya ang sinulat ng panganay. Fries at iba pa at saka Pinoy Fries. Maganda! 

Ang sa pangalawang anak naman ang binasa: Fries be with you! At Linam­nam!

Maganda rin!

Pero sa ginawa ng bunso masyadong na-attract si Sadiq. Nabasa niya: Sadiq Friessarap.

Isa lang ang ginawa ng bunso.

“Pawang maganda ang ginawa n’yo pero isa lang ang dapat manalo at ito ay ang Sadiq Friessarap.’’

Tuwang-tuwa ang bunso sapagkat ang kanyang naisip ang napili.

Tinanong ni Sadiq sa bunso kung paano naisip ang Sadiq.

“Pinagdugtong ko ang name mo Daddy – Salustiano Diquino.”

Hanga si Sadiq.

(Itutuloy)  

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with