^

True Confessions

Sadiq (58)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGTAKA si JayR sa sinabi ni Sadiq na hayaan na si Gary.

“Ayaw mo nang maka­usap si Gary, Sadiq?’’

“Oo. Tapos na ang mga bangungot sa aking buhay kaya hindi na siguro mahalaga na makaharap pa siya. Tama na ang mga nangyari nun.’’

“Sabagay, Sadiq.’’

“Gusto ko malimutan na lahat ang mga nangyari.’’

“Tama ka.’’

“Halika, kumain na lang tayo ng kabsa dun sa paborito nating restaurant. Nagutom ako sa kalalakad natin.’’

“Halika. Ako naman ang magpapakain sa’yo Sadiq. Ikaw na lang lagi ang taya.’’

“Ako na JayR. Para kabsa lang naman e.’’

“Sige sa sunod na lang ako. Kakahiya naman na laging ikaw ang nagpapakain sa akin.’’

“Okey nga lang yun, JayR. Magkaibigan naman tayo.’’

Napangiti na lang si JayR. Nahihiya talaga siya kay Sadiq dahil tuwing mamamasyal sila sa Batha ay ito ang nagbabayad kapag kumakain sila. Wala siyang masasabi kay Sadiq. Mabait talaga ito.

“Kailan nga pala ang schedule ng vacation mo, JayR?” tanong ni Sadiq habang kumakain sila ng kabsa.

“Sa Disyembre pa, Sadiq. Six months pa ang hihintayin ko.’’

“Aba malapit na yun.’’

“Mayroon ka bang ipadadala sa akin? Idedeliber ko sa inyo. Sabihin mo lang ang address n’yo sa Makati.’’

“Oo sige. Baka magpadala ako ng chocolate lang at saka pera.’’

“Sige ako na ang bahala, da­dalhin ko.’’

“Sabagay matagal pa naman. Marami pang mangyayari. Malay mo umuwi rin ako ng panahong yun.’’

Nagtaka si JayR sa sinabi ni Sadiq.  (Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(58)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with