^

True Confessions

Sadiq(33)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MASKI nang makau-  wi sina Sadiq at JayR ang pagkuha ng Pinay maid ng kanilang among si Saleh Al-Ghamdi ang topic nila.

Nagpasya si Sadiq na huwag tulungan ang amo na makakuha ng maid mula sa Pilipinas. Iyon ay kahit mabait at ka-vibes niya si Al-Ghamdi.

“Hindi ko tutulungan si Pogi na makakuha ng maid sa Pinas. Delikado kapag may mangyari e ako ang sisihin.’’

“Tama ka Sadiq. Kung ako rin ang nasa kalagayan mo, hindi ako maghaha­nap ng maid sa atin para ipadala rito. Marami nang nangyari na minaltrato ang Pinay maid dito.’’

“Marami akong alam na na-rape ng amo, JayR. May alam akong nabuntis. Ang masakit ay yung sinasaktan ng among babae. Mayroon nga akong nabalitaan na pinaso ng plantsa ang likod ng Pinay dahil hindi raw maayos ang pagkakaplantsa ng damit.’’

“Grabe ano Sadiq!’’

“Kaya nga ang tagal naming nag-usap kanina ni Pogi. Pinipilit ako na tumawag na sa Pinas at maghanap na ng maid. Urgent daw. Manganganak yata ang asawa kaya kailangan ang maid. Hindi ako makapagsabi ng hindi dahil alam mo naman, mabait si Pogi. Di ba kabibigay lang sa atin ng increase. Mahirap din pala ang ganito na may pabor tayong nakuha, tapos pag siya ang humi-ling e problema.’’

“Anong sasabihin mong dahilan kay Pogi, Sadiq?’’

“Mag-iisip pa ako.’’

“Sabihin mo kaya na may bagong policy ang Philippine government sa pagkuha. Mahigpit na ngayon. O kaya sabihin mong wala nang gustong mag-DH.’’

Napatango lang si Sadiq pero halata ni JayR na problemado ang kaibigan.

“O kaya naman sabihin mong couple ang kunin. Yung lalaki ay family driver at yung babae ay maid.’’

Napangiti si Sadiq.

“Puwede ang naisip mo, JayR. Ang talino mo talaga. Mahahalikan kita!”

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(33)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with