^

True Confessions

Sadiq (2)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG bandehadong kabsa na may pitso ng manok at dalawang malamig na Pepsi in can ang inorder ni Sadiq. May sawsawang dinurog na kamatis at iba pang dahon ang kabsa. Unang pagkakataon na makakatikim si JR ng ganoong pagkain.

Ilang araw pa lang siyang nakakarating sa Riyadh at si Sadiq ang una niyang naging kaibigan. Mabait agad sa kanya si Sadiq kahit noon lang sila nagkakilala.

“Sige kain na JR. Kabsa ang tawag diyan. Masarap yan. Sa unang subo e med­yo hindi mo magugustuhan dahil sa spices, pero pagtumagal na, hahanap-hanapin mo.’’

Naghanap ng kutsara si JR.

“Kinakain nang nakakamay ‘yan, JR. Maghugas ka roon sa lababo.’’

Napangiti si JR. Kinakamay pala ang kabsa.

Naghugas siya ng kamay.

Nang bumalik ay lumalantak na si Sadiq.

“Sige kain na.’’

Kumain na si JR. Tama si Sadiq, unang subo ay malalasahan ang spices. Pero sa pangalawa ay wala na.

“Pumiraso ka ng manok at isawsaw mo riyan sa kamatis para mawala ang umay mo.’’

Pumiraso si JR sa pritong pitso. Isinawsaw sa kamatis na dinurog at saka isinubo. Masarap nga.

“Di ba masarap, JR?’’

“Oo, Sadiq. Masarap pala ang kabsa.’’

“Uminom ka ng Pepsi para lalo mong malasap ang sarap ng kabsa.’’

Uminom si JR.

Masarap nga.

“Masarap ano JR?’’

Tumango siya.

Bakit kaya ang bait sa kanya ni Sadiq.

Hindi kaya silahis ito?

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with