^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (147)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SABAGAY, dapat ko nang ihanda ang aking sarili na dara­ting ang oras na mag-aasawa ka at magka­kahiwalay tayo. Kaya ngayon pa lang, sasanayin ko na ang sarili ko. Darating ang sandali na mag-iisa ako rito sa condo.’’

“Kung magkakatuluyan naman kami ni Joshua, lagi pa rin kitang dadalawin dito. Hindi kita pababa­yaan, Mommy.’’

“Pero siyempre, iba na ang sitwasyon dahil may pamilya ka na.’’

“Basta kahit may asawa na ako, dito pa rin ako.’’

“Sira! Nag-asawa ka pa. Kawawa naman si Joshua kung mag-iisa sa bahay n’yo.’’

“Saka na nga natin pag-usapan ang tungkol diyan. Matagal pa naman yun Mommy.’’

“Pero mabuti na ngang inihahanda ko ang sarili.’’

“Siyanga pala Mommy ano nang ba­lita kay Keiko? Hindi na ako nakakapag-chat sa kanya.’’

“Okey naman siya. Pag-uwi raw niya sa Japan, dadaan uli siya rito. Mga two weeks daw siya rito. Tapos magiging madalas na ang pagtungo niya rito dahil tapos na ang kanyang pag-aaral sa Canada.’’

“Talaga? Miss ko na si Keiko, Mommy.’’

“Ibabalita ko kay Keiko na may siyota ka na. Matutuwa yun!’’

“Baka hindi niya maintindihan ang siyota?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SA PILING NG KALAPATI(147)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with