^

PSN Showbiz

Wowie/Juday, magtatambal uli sa pelikula

-
Wala kaming nakitang matinding reaction kay Judy Ann Santos nang sabihin namin sa kanya na kabilang na si Wowie de Guzman sa mga hinahawakang alaga ngayon ng kanyang manager. Wala itong nararamdamang bitterness sa nasabing balita at lalo na sa aktor. Inamin nitong may konting sama ng loob ang kanyang ina sa aktor pero sa parte niya, magkaibigan pa rin sila ng aktor hanggang ngayon at may mga sandaling nagti-text silang dalawa.

Ayon sa aktres, karapatan ng kanyang manager na kumuha ng mga talents na gusto niya at hindi siya pwedeng makialam tulad ng pag-ayaw sa sinumang mapili ng kanyang manager dahil isa lang siyang talent ng sikat na manager. Aniya, hindi siya ang tipo ng artistang magdidikta sa kanyang manager at hindi rin siya ang tipong mag-uutos sa kanyang manager kung ano ang dapat gagawin dahil malaki ang respeto nito sa kanyang manager na beterano sa kanyang trabaho.

Alam ng publiko na nagkaroon ng relasyon ang aktres sa nagbabalik-showbiz na aktor pero para sa kanya, past is past na ang ibig nitong tukuyin, kung ano man ang namagitan sa kanilang dalawa noon ni Wowie ay parte na iyon ng nakaraan at masaya siya ngayon para sa aktor dahil alam nitong may nagpapaligaya sa aktor. "Kung magtatambal man kami, trabaho lang."

May balita noong pinag-iisipan pa ang Krystala na posibleng mapasama si Wowie sa naturang superserye na para sa aktres ay walang problema kung sinuman ang ilalagay nila sa superserye. Aniya, hindi siya iyong klase ng artista na diktadora dahil alam naman nito kung hanggang saan siya.

Sa pakikipag-usap namin kay Tito Alfie ay inamin nito sa amin na may nagawang bagay ang aktor sa kanya at kay Juday na ikinasama ng kanyang kalooban. Lahat ng iyon ay napatawad ng manager ng aktres dahil talagang pumunta pa ang aktor sa kanila sa Porac para humingi ng tawad at ang balita, doon pa sa tahanan ng manager ng aktres ipinagdiwang ng aktor ang kanyang kaarawan.

Tao lang si Tito Alfie at naging madali ang paglambot ng kanyang puso sa aktor dahil naramdaman nito ang sinseridad ng aktor sa paghingi ng tawad. Hindi nito sinagot ang aming tanong kung sa madaling panahon ay posibleng ibabalik niya ang tambalang Juday at Wowie. Aniya, pinupulsuhan pa nito ang mga tagahanga dahil noong huling nagtambal ang dalawa sa Luv Text ay hindi ito masyadong kinagat ng tao. — Alex Datu

vuukle comment

AKTOR

ALEX DATU

ANIYA

DAHIL

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KANYANG

MANAGER

TITO ALFIE

WOWIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with