^

PSN Showbiz

Kris, ‘di talaga nakakalimot kahit may sakit

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, �di talaga nakakalimot kahit may sakit
Kris Aquino.
STAR/ File

Gusto ko na naman maiyak. Tumawag si Check, isa sa personal assistant ni Kris Aquino dahil may pinadadalang regalo si Tetay.

Imagine mo na sa gitna ng health problems ni Kris maiisip pa niyang magpadala ng gift para sa akin.

Napaka-thoughtful niya at ito ‘yung sinasabi ko na si Kris never nagtatanim ng sama ng loob. Love-hate ang relationship naming dalawa dahil madalas napipikon siya sa akin. Pero never talagang nagtatagal ang tampo o pagkapikon niya sa akin.

Kaya naman all these years may soft spot siya talaga sa puso ko. Never ko siyang inaalis sa listahan ng mga tao na mahal ko.

Praying na sana maging maayos ang health mo at maging peaceful ang emotion mo.

Mahal kita.

Andi, sinagot ang pagpapabaya sa sarili!

Sinagot ng dating aktres na si Andi Eigenmann ang netizens na nagkomento tungkol sa kanyang pananamit.

Ibinahagi ng karelasyon ni Philmar Alipayo sa pamamagitan ng isa video kung paano siya manamit sa Siargao bilang sagot sa nagsabing “pinabayaan ang sarili. Hindi man lang mag ayos.”

Common knowledge na sa Siargao na nakatira si Andi kasama ang fiancé at mga anak na sina Lilo, Koa at Ellie.

Aliw ang ipinost niyang video na may caption na “Hat3rz would say, “pinabayaan ang sarili. Hindi man lang mag ayos”.. I would say.., komportable chìc! Or.. Qrated pangbahay realness!”

Biro pa nga niya na ang nag-iisang bagay na hindi niya sinasadya ay makalimutan ang kanyang slippers.

Sinuportahan naman siya ng mga tagahanga niya na pinuri pa siya sa kanyang pananamit. Hindi raw nito kailangan magpaapekto dahil maganda pa rin siyang tingnan sa simpleng pananamit dahil natural ang ganda niya na lutang din ang kaseksihan niya.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with