^

PSN Showbiz

Lovi, inggit sa malalaki ang boobey!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lovi, inggit sa malalaki ang boobey!
Lovi Poe

Excited na si Lovi Poe sa pagdating ng asawa niyang si Monty Blencowe sa susunod na linggo. Magtatagal daw sa bansa ang kanyang mister.

Kakaiba ang setup na parang may tatlong residence na siya.

Ngayong sunud-sunod ang projects niya rito, hindi siya makakapunta ng Amerika para makasama ang asawa kaya mabuti at masasamahan siya ngayon sa bansa. “Actually, we never had that conversation. When something comes up. We discuss talaga, if how important it is and ahh… like now he’s flying here this time,” napangiting pahayag ni Lovi sa press launch ng endorsement niyang SCD beauty products na ginanap sa Seda Hotel kahapon.

Sa gitna ng marami niyang ginagawa, kahit paano ay nababalanse niya ang responsibilidad bilang artista at pagiging Mrs. Monty Blencowe. Very supportive naman daw ang kanyang asawa. “It’s not the typical setup for most people. But you know what, we’re making it worth, and we want to make it worth.

“I’m just very very good that he’s very understanding and he supports it – whatever it is my goals. And I would like to do the same,” saad pa ni Lovi.

Samantala, ni-renew ang kontrata ni Lovi sa SCD na pag-aari ni Ms. Grace Angeles at sobrang happy raw ang mga taga-SCD dahil mas napapalapit daw sa masa nang nakitang si Lovi ang nag-e-endorse nito.

Malaking bagay ‘yung pagiging kayumanggi ni Lovi kaya’t marami ang nakaka-relate sa aktres.

Aminado si Lovi na naranasan daw niya noon ang katakut-takot na pan­lalait, na sinasabihan siyang maitim, flat-chested at mataba.

“It’s part of it. You know people will always say certain things. But you should never let these comments get to you. Just live your life in a day to day basis and enjoy yourself and enjoy your work. Just be happy,” dagdag niyang pahayag.

Minsan ba ay naisip niyang magparetoke ng boobey?

“Matigas nga talaga ‘yung ulo ko before. I was one of those people talaga na, ‘so what if I’m like this. ‘Yung stubborn talaga ako. And I think it helped me a lot. I don’t know kung saan ko nakuha ‘yung mindset na ‘yun. But then, thankful ako, kasi now, parang I just realized na parang ahmmm what makes you different, what makes unique, it’s gonna make you stand out. It’s gonna make you shine.

“To be honest, nag-slip siya sa head ko, should I? Kasi I remember before, they were telling me, you should have your breast done. Like, really? But I’m so paranoid, sa totoo lang. I’m too paranoid to do anything like that. So, I’m happy that I didn’t.

“Now, I can wear anything I want. I can wear anything. Pero sa totoo lang, nakakainggit ang mga taong may side boob.

“’Pag nakikita ko sila, like, ‘sana all!’” natatawang pahayag ni Lovi Poe.

Dragons…, ipi-flex ang single

Excited kami sa first production ng Dragons Entertainment ni Bambbi Fuentes na kung saan ilulunsad ang talents nito sa kanilang concert na pinamagatang Dragons Unleashed.

Lahat nang mga na-discover nilang talents ay magpapakitang-gilas na karamihan ay talaga namang promising.

Given na rito ang isang talent nilang si Shira Tweg na kabi-kabila ang projects ngayon.

Pero ang isa sa kaabang-abang sa Dragons Unleashed na concert ay ang bagong girl group na Ir1zz na sina Cary, Ginger, Princess at Wynona.

Maganda ang first single nilang Claro na ipi-flex nila ngayong gabi, na gaganapin sa Music Museum.

vuukle comment

ACTRESS

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with