^

PSN Showbiz

Sarah, tuloy na sa bagong pelikula!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Sarah, tuloy na sa bagong pelikula!
Sarah Geronimo

Winner ang naganap na Cine Expo sa Robinsons Galleria under the Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).

May presentation ang mga major production companies na inihahanda na ang mga tao sa kanila exciting na offerings sa iba’t ibang playdates sa sinehan.

Ang tanong: anong mga pelikula ang kakagatin ng mga tao sa box office?

Sana tulung-tulong tayo sa pagpo-promote ng mga pelikulang sariling atin tulad ng When Magic Hurts na showing ngayon.

Paano na?

Sa nasabing Cine Expo, sinabi ng Viva na magkakaroon daw ng Sarah Geronimo movie ngayong taon!

Ito na ba ang sinasabing pelikula nila ni Mik Red?

At intended ba ito para sa 50th edition ng Metro Manila Film Festival?

If ever may Vice Ganda project ang Star Cinema, gagawin din kaya ng Viva ang strategy nila nang makaungos sila sa total box office gross ng Vice Ganda entry na Partners In Crime at ang naging Best Picture at topgrosser noong taong ‘yun ay ang Deleter ni Nadine Lustre directed by Mik Red?

Aabangan natin iyan!

Gary, nilayasan ang black…

Napakagandang makita ang ‘90s hunks na nagbabalik active sa showbiz.

Nandyan si Gary Estrada na kapipirma lang sa Sparkle.

Teka, bakit pala bigla na lang siyang nawala sa Black Rider? Mukhang mas may mahaba-haba sigurong role sa kanya sa ibang teleserye assignment.

Then there’s Matthew Mendoza na active rin ngayon sa Bagman ng ABS-CBN at Padyak Princess ng TV5.

Paano napapanatili ni Matthew ang kanyang pagkamatikas at kakisigan? Fresh pa rin siya, in fairness!

Ang tanong sa dalawang ito – sasabak pa ba sila sa pulitika gayung medyo mas mahal sila ng industriya ng showbiz.

Ano sa tingin niyo?

Kakai, in love kay Stell

Inamin ni Kakai Bautista na crush niya ang SB19 singer na si Stell.  Magtataka pa ba tayo?

Parang pareho ang type ni Kakai ‘di ba?

Mga guwapo talaga at talented ang boys niya ‘di ba?

At para talaga siyang destined sa walang pores at makinis at beautiful talaga.

Nakakata-quote:

Jovit Moya: “I’ve been married and separated 3 times. It’s been common knowledge that I swing both ways.”

Julius Babao: “Hindi ‘yun common knowledge ha.”

vuukle comment

SARAH GERONIMO

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with