^

PSN Showbiz

ABS-CBN stars, nangharana sa bagong kapamilya channel station id

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN stars, nangharana sa bagong kapamilya channel station id
ABS-CBN stars

Forever, Kapamilya!

Ito ang chant ng ilang ABS-CBN stars na tampok sa pinakabagong station ID ng Kapamilya Channel na nakakuha na ng mahigit 500,000 views sa Facebook.

Sa video, taos-puso ang pag-awit ng mga bida ng FPJ’s Batang Quiapo, Linlang: The Teleserye Version, at Can’t Buy Me Love sa mga viewer upang ipadama sa kanila na lagi silang kasama at karamay ng bawat Kapamilya.

Nagpakitang-gilas din ang mga host ng It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, I Can See Your Voice, Magandang Buhay, gayundin ang mga coach ng The Voice Teens sa bagong station ID na nagsisilbing paraan nila upang mapasalamatan ang mga manonood na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanila.

Maging ang mga host ng upcoming season ng Pinoy Big Brother at ang mga news anchor ng TV Patrol ay napabilang din sa Kapamilya Channel station ID.

“Kayo ang aming forever, Kapamilya. Samahan kami araw-araw sa paglikha ng mas maraming masasayang alaala at magagandang kuwento sa pamamagitan ng pagsubaybay sa lahat ng programa ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel na available sa mahigit 300 cable providers sa buong bansa,” ang buong ng mensahe nito.

Actually, sa totoo lang parang mas marami ngayong exposure ang mga programa nila dahil kalat na ito sa iba’t ibang channel.

vuukle comment

ABS-CBN

ARTIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with