^

PSN Showbiz

EA at Shaira, never pang nagsama sa kama

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
EA at Shaira, never pang nagsama sa kama
Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz

Kahit 11 years na…

Ayaw nang i-nega ni Edgar Allan Guzman ang ilang ayaw maniwala na talagang pina-practice nila ni Shaira Diaz ang celibacy.

Naniniwala naman si EA na meron ding ibang couple na celibate bago ang kasal.

Ang reaksyon kasi ng iba, parang ang boring naman daw ng relasyon kung wala namang intimate moments sa kanila.

Happy na raw ba sila na hanggang kiss kiss lang o pa-holding hands at wala nang higit pa run?

Sabi na lang niya nung nakatsikahan namin sa media conference ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na Lilet Matias: Attorney-At-Law, “Para sa akin po, hindi ako magbibigay ng negative comment about them. Para sa akin, ‘yung pagmamahal na lang.

“Hindi boring e. Hindi boring ‘yung pagsasama namin ni Shaira. Kasi kung boring, hindi kami magtatagal ng 11 years.”

Doon na rin sa mediacon ay binanggit ng Kapuso actor na two years from now pa raw naka-sche­dule ang kasal nila ni Shaira.

Kaya tinanong namin kung kakayanin pa ba niyang maghintay na pina-practice nila ang celibacy hanggang sa 2026?

“Para sa akin naman, e ‘yung 11 years nga natiis ko. Bakit ilang taon na lang talagang magiging asawa ko na siya. And alam mo ‘yun, magkakaroon na kami ng sariling pamilya namin.

“Ako lang talaga ‘yung love ko kay Shaira and respect, ‘yun lang talaga ‘yung reason kung bakit ko natiis, bakit ko nakayanan. ‘Yung love and respect sa kanya,” seryosong pahayag ni EA.

Masaya sila sa kanilang relasyon, at hindi naman daw sila apektado sa mga balitang hiwalayan ng mga showbiz couple. Lalo na ‘yung engaged na pero naghihiwalay pa rin.

Binubuo na raw nila ngayon ang entourage, at balak na rin nilang magbukas ng joint account para makapag-ipon na sila para sa bubuuin nilang pamilya.

“As of now, personal pa rin kami,” ang bank account ang tinutukoy nito.

“Pero we’re planning na magkaroon ng sarili naming savings for our family. Para kahit na nagtatrabaho kami, naiipon namin for our wedding. And ako nga sinabi ko nga, magmula nung na-announce ko ‘yung engagement, parang nag-iba agad ‘yung buhay ko, alam mo ‘yun. Parang… ‘yung mga pansarili ko, hindi ko muna siya iniintindi,” saad ni Edgar Allan Guzman.

Si EA ang isa leading men ni Jo Berry sa Lilet Matias: Attorney-At-Law na magsisimula na sa March 4.

Beauty, ‘di sinipot ng pamilya 

Napaluha si Beauty Gonzalez sa premiere night ng pelikulang After All nung Lunes.

Wala raw siyang pamilyang dumalo sa premiere night, pero suportado naman daw siya ng pamilya niya sa showbiz.

Dumalo ang ilan sa mga talent ng ALV Management ni Arnold Vegafria kagaya ni Martin del Rosario, at pati co-stars ni Teejay Marquez sa Maki­ling na sina Thea Tolentino, Claire Castro at Royce Cabrera.

Ngayong araw na ang showing nito sa mahigit 100 cinema, pero naloka raw si Beauty dahil wala sa lugar nila sa Dumaguete City.

Aminado ang leading man niyang si Kelvin Miranda na napi-pressure siya dahil matindi pa naman ang makakatapat nila sa takilya.

 “Prayers na lang ang masasabi ko, hahaha!” sabi naman ni Beauty.

Kasama rin nila sa pelikulang ito si Teejay Marquez na medyo naasiwa kami dahil anak pa siya rito ni Beauty.

Si direk Adolf Alix ang director ng After All na prinodyus ng ALV Films.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

EDGAR ALLAN GUZMAN

SHAIRA DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with