^

PSN Showbiz

Kaila, maraming gustong makatrabaho

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kaila, maraming gustong makatrabaho
Gabi-gabing napapanood ang dalaga ngayon sa Linlang the Teleserye Version at Can’t Buy Me Love.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumirma ng kontrata si Kaila Estrada sa ABS-CBN. Mag-aapat na taon na ngayong Kapamilya talent ang dalaga. Masayang-masaya si Kaila dahil sa takbo ng kanyang karera ngayon bilang isang aktres. “Honestly I’m on cloud nine right now. I’m so happy to be here and I’m so grateful. Of course, I want to say thank you for taking me under your wing and for believing in me. This is where I want my journey to begin and I’m so grateful that this is where it will continue,” nakangiting bungad ni Kaila.

Gabi-gabing napapanood ang dalaga ngayon sa Linlang the Teleserye Version at Can’t Buy Me Love.

Mainit na pinag-usapan sa social media ang pagiging magaling na aktres ni Kaila noong isang taon nang unang ipalabas sa Prime Video ang Linlang.

Ngayon ay nangangarap si Kaila na makatrabaho ang ilan pang mga tinitingala sa industriya. “At the top of my head, Ms. Jodi Sta. Maria, Ms. Angelica Panganiban, Ms. Angel Locsin, Jericho Rosales, Piolo Pascual. Ang dami-dami talaga kasi sila ‘yung nakalakihan ko. John Lloyd Cruz, ‘di ba? So ang dami ko pang gustong maka-work. So sana matupad lahat,” pagbabahagi ng aktres.

Proud naman ang mga magulang na sina Janice de Belen at John Estrada para sa naabot ni Kaila. Pinagsusumikapan ng baguhang aktres na makagawa ng sariling pangalan sa show business. “Nakakatuwa naman at nakakataba ng puso ko dahil lahat na lang po nang nakatrabaho ni Kaila, nakatrabaho ko din. Wala pong sinasabi kung hindi, ‘Oh, kuya John, nakasama ko po ‘yung anak n’yo sa kung anu-ano. Ang galing, napakabait na bata.’ Marami na ako naririnig na praises for you and you know you’re in good hands. Congratulations, basta magpakabait ka, magdasal ka parati. Alam mo naman na nandito lang si dad,” mensahe ni John sa anak.

“Know that I am very proud of you and I will always be proud of you. I wish you continuous success but as you hold your head up high, also keep your feet on the ground. Hayaan mo anak, may contract ka na sa ABS-CBN. Hindi ka na anak ni Janice, ako na ang magiging nanay ni Kaila. I love you,” pahayag naman ni Janice.

Rita, nalinlang ng aktor na may jowa

Kamakailan ay inamin ni Rita Daniela sa telebisyon na naranasan niyang maging third party siya sa relasyon ng kilala ring magkasintahan noong 2017.

Ngayon ay kasal naman na raw ang showbiz couple.

Hindi raw kaagad nalaman ng Kapuso actress na may karelasyon ang lalaki noong mga panahon na iyon. “Usually ‘pag sinasabi nila ‘yan, ‘di sila okay. Tapos meron pa rin pala, so no’ng nalaman ko siyempre tinigil ko. So no’ng tinigil, medyo naging makulit si guy. So ginawa ko lahat para hindi na siya matuloy. No’ng nalaman ni girl, naghiwalay na sila. But also, nangyari ‘yon kasi wala pa akong God no’n sa buhay ko,” makahulugang paliwanag ng aktres. — Reports from JCC

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with