^

PSN Showbiz

Ivana Alawi mamimigay ng VIP ticket para sa 'Eras Tour' ni Taylor Swift

James Relativo - Philstar.com
Ivana Alawi mamimigay ng VIP ticket para sa 'Eras Tour' ni Taylor Swift
Litrato ni Ivana Alawi habang inaanunsyo ang pa-give away
Video grab mula sa Instagram ni Ivana Alawi

MANILA, Philippines — Libreng VIP ticket at all-expense-paid trip ang handog ng aktres at YouTube personality na si Ivana Alawi para sa isang swerteng follower upang mapanuod ang "Eras Tour" ni Taylor Swift sa Singapore sa darating na Marso.

Sabado nang ianunsyo ni Ivana ang naturang giveaway. Aniya, kinakailangan lang sumunod ng netizens sa ilang simpleng steps para makapagsumite ng entry sa giveaway.

"Once in a lifetime opportunity mapanood si Taylor Swift tapos all expense paid and VIP ticket [pa]," ani Ivana.

"Lahat ay libre. Ang iisipin mo nalang ay pag vi-video mo at ang pag-e-enjoy mo habang nanunood ng idol natin na si Taylor Swift."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Kasama sa all-expense-paid giveaway ang isang VIP concert ticket, ticket sa eroplano, pagkain at accomodation sa hotel. Sinasabing ika-6 hanggang iika-8 ng Marso ang travel day.

Paalala ni Ivana, kinakailangan lang siyang i-follow sa lahat ng kanyang verified social media accounts sa Facebook, Instagram, TikTok at Youtube.

Matapos niyan, kailangang ng participants i-shae ang giveaway announcement video kalakip ng paborito nilang lyrics ni Taylor Swift.

Iisa lang ang pipiliin ni Ivana at siya namang iaanunsyo sa ika-22 ng Pebrero.

"Make sure to share this video and follow the rules," wika pa ng celebrity.

"Once in a lifetime opportunity si Taylor plus all expense paid and VIP ticket."

Singapore lang ang nag-iisang bansa sa Southeast Asia na bahagi ng "Eras" tour, dahilan para pag-isipan ngayon nang ilang Filipino "Swifties" ang paglipad para lang makapanuod ng konsiyerto.

vuukle comment

CONCERT

IVANA ALAWI

SINGAPORE

TAYLOR SWIFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with