Aktor, sa ibang bansa, nanghahagip
Lalarga na naman sa ibang bansa ang isang medyo sikat na young actor na nagbibida na rin sa TV at movies.
Eh may tsismis na kloseta ang junior actor na ito na mula nang pumasok sa showbiz, never na may babaeng naugnay sa kanya.
Medyo choosy nga ang aktor na ito. Ayaw niya sa kapwa Pinoy. Gusto, foreigner, huh!
May pera naman ang aktor kaya niyang puntahan ang mga ibang bansa upang doon magpakaligaya, huh!
Dominic, pinaliligaya ang sarili nang makawala kay Bea
Pinaligaya ni Dominic Roque ang sarili nang manood ng reunion concert ng bandang Rivermaya.
Namataan si Dom sa concert kasama sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncilio, at Beth Tamayo na BFF ni Juday at pinsan naman ni Dominic.
At least, nalilibang si Dominic matapos maunsyami ang kasal kay Bea Alonzo, huh!
- Latest