^

PSN Showbiz

Pamilya ni Coleen, mabigat ang pinagdaanan nung pasko

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pamilya ni Coleen, mabigat ang pinagdaanan nung pasko
Billy Crawford. Amary, at Coleen Garcia

Bagong lipat pala sina Billy Crawford and Coleen Garcia dahil pinapa-renovate raw nila ang kanilang bahay.

Kasabay nito ang pag-amin ni Coleen na naging challenging season ang naranasan ng kanilang pamilya. “No Christmas PJs this year cause all of our stuff are still in boxes while our home is being renovated. It’s been a challenging season for our family (if you only knew), but I will never stop praising God for how good He is in spite of it all. My heart is still full of gratitude, and I will forever be in awe of how He works. Just taking this time to mark this moment in our lives. The past couple of months alone have been crazy, to say the least. I’m excited to start a new year and a new chapter already, but the lessons we’ve learned and faith we’ve built in this season will carry us through the rest of our lives. The God of the mountain is the God of the valley. Thank you, Lord, for the gift of family. Truly, it’s all that matters to me.”

Three days before Christmas nang matagpuang duguan ang kanyang step-aunt na si Canice Minica Seming. Ayon sa report ng GMA 7, nagtamo ito ng “15 stab wounds” na kadarating lang ng bansa para sana magdiwang ng Pasko rito. Bale kapatid ito ng step-mom ni Coleen.

Nauna nang nag-post ni Coleen na naniniwala sila na ang diumano’y salarin ay ang karpintero ng kanyang ama na ang sinasabi ay diumano’y nakikipagbalikan sa karelasyon nilang kasambahay pero ang step-aunt ni Coleen ang naabutan sa bahay.

Pero naaresto na raw ang suspek bago nag-Pasko at iginiit ng suspek na nasa impluwensya ng alak siya nang gawin ang krimen.

Kawawa ang step-aunt ni Coleen dahil andito lang sana para magbakasyon, napatay pa.

Sa isang exclusive subdivison nakatira sina Billy at Coleen pero wala namang banggit kung doon sa kanilang bahay naganap ang krimen.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with