Andrea sabit din ang pangalan sa hiwalayang Elijah at Miles!?
Ba’t kaya sinasabit na naman ang pangalan ni Andrea Brillantes sa hiwalayang Elijah Canlas at Miles Ocampo?
Magkasama sa Senior High sina Elijah at Andrea at doon diumano naganap ang lahat.
Sinabi ng bagong panalong Best Actor kamakailan na dumaan sila sa “rough patch recently at naghiwalay sila ni Miles “a couple of months ago.”
Pero hindi raw sila galit sa isa’t isa at lagi niya raw susuportahan ang ex girlfriend sa lahat ng mga gagawin nito.
Pero grabe naman, kung totoo ngang sabit na naman ang pangalan ni Andrea rito.
Si Andrea rin ang pinagbibintangang may sala sa hiwalayang Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.
Sa totoo lang, parang si Andrea na ang paborito ng lahat dahil lagi na lang siyang dawit sa mga intriga.
- Latest